Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Hebreo 3:7,8,12,13,15

OASD Ang Salita ng Diyos

7 Kaya tulad ng sinasabi ng Banal na Espiritu:

"Sa araw na ito,

kapag narinig ninyo ang tinig niya,

8 huwag ninyong patigasin ang inyong puso,

tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno

nang silaʼy maghimagsik laban sa akin

doon sa ilang, nang subukin nila ako.

12 Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo upang hindi magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa buháy na Diyos. 13 Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, upang walang sinuman sa inyo ang malinlang ng kasalanan na siyang nagpapatigas sa inyong puso. 15 Gaya nga ng nabanggit sa Kasulatan:

"Sa araw na ito, kapag narinig ninyo ang tinig niya,

huwag ninyong patigasin ang inyong puso,

tulad ng ginawa ng inyong mga ninuno

nang silaʼy maghimagsik."3:15 Salmo 95:7-8.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    7 Gawa 1:16;Heb. 9:8.Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo,

    Ngayon Awit 95:7-11.kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,

    8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi,

    Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang,

    12 Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:

    13 Nguni’t Heb. 10:24,25.kayo’y mangagpangaralan sa isa’t isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo Rom. 7:11.ng daya ng kasalanan:

    15 Samantalang sinasabi,

    tal.7.Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig,

    Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.