Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Hebreo 7:1,2,4,9,10

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Paring si Melquizedec

1 Itong si Melquizedec ay hari noon sa Salem, at pari ng Kataas-taasang Diyos. Nang pauwi na si Abraham mula sa pakikipaglaban sa mga haring nilupig niya, sinalubong siya ni Melquizedec at pinagpala. 2 Pagkatapos, ibinigay sa kanya ni Abraham ang ikapu7:2 ikapu: Ang ibig sabihin, "ikasampu o sampung porsyento." ng lahat ng nasamsam niya sa labanan. Ang kahulugan ng pangalang Melquizedec ay "hari ng katuwiran". At dahil hari siya ng Salem, nangangahulugan na siyaʼy "hari ng kapayapaan".

4 Isipin nʼyo na lang kung gaano kadakila si Melquizedec: Kahit na si Abraham na ama ng ating lahi ay nagbigay sa kanya ng ikapu mula sa lahat ng nasamsam niya sa labanan.

9 At masasabi nating kahit si Levi, na ang angkan niya ang tumatanggap ng ikapu, ay nagbigay din ng kanyang ikapu sa pamamagitan ni Abraham. 10 Sapagkat nang magbigay si Abraham kay Melquizedec, masasabi nating si Levi ay nasa katawan pa ng ninuno niyang si Abraham.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Sapagka’t itong si Gen. 14:18-20.Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya’y pinagpala niya,

    2 Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-una, siya’y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan;

    4 Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito, na binigyan ni Abraham, na patriarka, ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam.

    9 At sa makatuwid baga’y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi, na tumatanggap ng ikasangpung bahagi, ay nagbayad ng ikasangpung bahagi;

    10 Sapagka’t siya’y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama, nang ito’y salubungin ni Melquisedec.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.