Pular para o conteúdo
Publicidade

Joel 2

Ang Panawagang Manumbalik sa Diyos

12 Sinabi ng Panginoon,

"Gayunman, magbalik-loob kayo sa akin

nang buong puso,

may pag-aayuno,

pananangis at pagdadalamhati."

13 Magsisi kayo nang buong puso

at hindi pakitang-tao lamang

tulad ng pagpunit ninyo

ng inyong mga damit.

Magbalik-loob kayo sa Panginoon

na inyong Diyos,

sapagkat siyaʼy mahabagin

at mapagmalasakit,

hindi madaling magalit

at wagas ang pag-ibig.

Naghuhunos-dili siya

at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.

Veja também

Joel
Ver todos os capítulos de Joel