6 Lumubog ako hanggang
sa pinakailalim ng dagat,
at parang ikinulong
sa kailaliman
ng lupa magpakailanman.
Ngunit kinuha nʼyo ako
sa kailalimang iyon,
O Panginoon kong Diyos.
7 "Nang malapit na akong mamatay,2:7 Nang malapit na akong mamatay: O Noong pagod na pagod na ako o Noong nawalan na ako ng pag-asa.
tumawag ako sa inyo, Panginoon,
at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko
doon sa inyong banal na Templo.