14 Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak1:14 kaisa-isang Anak: O natatanging Anak. ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.
15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at ito ang kanyang sinabi: "Siya ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘May isang darating na kasunod ko na higit kaysa sa akin, sapagkat narito na siya bago pa man ako ipanganak.’ " 16 Sa kasaganaan ng kanyang kagandahang-loob ay tumanggap tayong lahat ng abot-abot na biyaya. 17 Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang kagandahang-loob at katotohanan ay natanggap natin sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.