3 Pinapapasok siya ng tagapagbantay sa pintuan, at kilala ng mga tupa ang boses niya. Tinatawag niya ang mga tupa sa kani-kanilang pangalan at inilalabas sa kulungan. 4 Kapag nailabas na niya ang mga tupa, nauuna siya sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya. 5 Ngunit hindi sila susunod sa hindi nila kilala; sa halip, lalayuan nila ito, dahil hindi nila kilala ang boses nito."
14,15 "Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila.
27 Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.