23 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Muling mabubuhay ang kapatid mo."
24 Sumagot si Marta, "Alam ko pong mabubuhay siyang muli sa huling araw, kapag bubuhayin na ang mga namatay."
25 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay.