21 Pagkasabi nito ni Hesus, labis siyang nabagabag. Sinabi niya, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ipagkakanulo ako ng isa sa inyo."
22 Nagtinginan ang mga alagad niya na naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya. 23 Nakaupo noon sa tabi ni Hesus ang alagad na malapit sa puso niya. 24 Kaya sinenyasan ito ni Simon Pedro na tanungin si Hesus kung sino ang tinutukoy niya.
25 Sumandal ito kay Hesus at nagtanong, "Panginoon, sino po ang tinutukoy ninyo?"
26 Sumagot si Hesus, "Kung sino ang bibigyan ko ng tinapay na isinawsaw ko, siya iyon." Kaya kumuha si Hesus ng tinapay at matapos isawsaw ay ibinigay kay Judas na anak ni Simon Iscariote. 27 Pagkatanggap ni Judas ng tinapay, pumasok sa kanya si Satanas.
Sinabi ni Hesus sa kanya, "Gawin mo na agad ang gagawin mo." 28 Hindi naintindihan ng mga kasalo sa hapunan kung bakit sinabi iyon ni Hesus. 29 Ang akala ng iba, inutusan lang ni Hesus si Judas na bumili ng mga kakailanganin sa pista o kayaʼy magbigay ng limos sa mga mahihirap, dahil siya ang tagapag-ingat ng pera nila. 30 Pagkakain ni Judas ng tinapay, agad siyang umalis. Gabi na noon.