3 Alam ni Hesus na ipinasailalim ng Ama sa kanyang kapangyarihan ang lahat. At alam din niyang galing siya sa Diyos at babalik din sa Diyos. 4 Tumayo si Hesus habang naghahapunan sila. Hinubad niya ang kanyang panlabas na kasuotan at nagbigkis ng tuwalya sa baywang niya. 5 Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa isang palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad niya at pinunasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya.
12 Nang mahugasan na ni Hesus ang mga paa nila, muli niyang isinuot ang kanyang panlabas na kasuotan at bumalik sa hapag-kainan. Pagkatapos, tinanong niya sila, "Naiintindihan nʼyo ba ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag nʼyo akong ‘Guro’ at ‘Panginoon’, at tama kayo dahil iyan nga ang totoo. 14 Kung ako na Guro at Panginoon ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat ay ganoon din ang gawin ninyo sa isaʼt isa. 15 Ginawa ko ito bilang halimbawa na dapat ninyong tularan. Kaya gawin din ninyo ang ginawa ko sa inyo. 16 Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang aliping higit sa kanyang amo; at wala ring isinugo na higit sa nagsugo sa kanya. 17 Ngayong alam nʼyo na ang mga bagay na ito, pagpapalain kayo ng Diyos kung gagawin nʼyo ang mga ito.