36 Nagtanong si Simon Pedro kay Hesus, "Panginoon, saan po kayo pupunta?"
Sumagot si Hesus, "Sa ngayon ay hindi ka makakasama sa pupuntahan ko, pero susunod ka rin doon balang araw."
37 Nagtanong pa si Pedro, "Panginoon, bakit hindi ako maaaring sumáma sa inyo ngayon? Handa naman akong mamatay para sa inyo."
38 Sumagot si Hesus, "Talaga bang handa kang mamatay para sa akin? Sinasabi ko sa iyo ang totoo, bago tumilaok ang manok, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako."