13 dinala muna kay Anas na biyenan ni Caifas. Si Caifas ang punong pari nang taon na iyon, 14 at siya ang nagpayo sa mga pinuno ng mga Hudyo na mabuti pang mamatay ang isang tao para sa buong sambayanan.
Inimbestigahan ng Punong Pari si Hesus
19 Samantala, inimbestigahan ng punong pari si Hesus tungkol sa mga alagad niya at sa mga itinuturo niya.
20 Sinabi ni Hesus, "Hayagan akong nagsasalita sa mga tao. Palagi akong nangangaral sa mga sinagoga at sa Templo kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng Hudyo. Wala akong itinuro nang palihim. 21 Bakit nʼyo ako tinatanong ngayon? Tanungin nʼyo ang mga nakarinig sa akin; alam nila kung ano ang mga sinabi ko."
22 Nang masabi ito ni Hesus, sinampal siya ng isa sa mga guwardiya na malapit sa kanya. Sinabi ng guwardiya, "Bakit ganyan ka sumagot sa punong pari?"
23 Sinagot siya ni Hesus, "Kung may masama akong sinabi, patunayan mo. Ngunit kung totoo ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?"
24 Habang nakagapos pa si Hesus, ipinadala siya ni Anas kay Caifas na punong pari.