37 Sinabi ni Pilato, "Kung ganoon, isa kang hari?"
Sumagot si Hesus, "Tama ang sinabi mo na isa akong hari. At ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa mundo ay upang ipahayag ang katotohanan. At ang lahat ng gustong makaalam ng katotohanan ay nakikinig sa akin."
38 Tinanong siya ni Pilato, "Ano ba ang katotohanan?" Nang masabi ito ni Pilato, lumabas siya at sinabi sa mga pinuno ng mga Hudyo, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.