Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 20:1,11,14,16-18

OASD Ang Salita ng Diyos

Muling Nabuhay si Hesus

1 Kinaumagahan ng Linggo, habang madilim pa, pumunta si Maria na taga-Magdala sa libingan. Nakita niyang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan nito.

11 Naiwan si Maria sa labas ng libingan na umiiyak. Habang umiiyak, sumilip siya sa loob ng libingan

14 Pagkasabi nitoʼy lumingon siya at nakita si Hesus na nakatayo, pero hindi niya nakilala na si Hesus iyon.

16 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Maria!"

Humarap si Maria kay Hesus at sinabi sa wikang Hebreo, "Raboni!" (na ang ibig sabihin ay "Guro").

17 Sinabi ni Hesus, "Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakabalik sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko at sabihing babalik na ako sa aking Ama na inyong Ama, at sa aking Diyos na inyong Diyos."

18 Kaya pinuntahan ni Maria na taga-Magdala ang mga alagad ni Hesus at ibinalita sa kanila na nakita niya ang Panginoon. At sinabi niya sa kanila ang mga ipinasasabi ni Hesus.

Nagpakita si Hesus sa mga Alagad Niya

(Mat. 28:16-20; Mar. 16:14-18; Luc. 24:36-49)

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Mat. 28:1-8;Mar. 16:1-8;Luc. 24:1-9.Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita Mat. 27:66;Juan 11:38,39,41.ang bato na naalis na sa libingan.

    11 Nguni’t si Maria ay nakatayo tal. 1, 2.sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya’y umiiyak, siya’y yumuko at tumingin sa loob ng libingan;

    14 Pagkasabi niya ng gayon, siya’y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, Luc. 24:10;Juan 21:4.at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus.

    16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro.

    17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni’t pumaroon ka sa Mat. 28:10.aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako Juan 14:12.sa aking Ama at inyong Ama, at Ef. 1:17.aking Dios at inyong Dios.

    18 Naparoon si Maria Magdalena Mat. 28:10;Luc. 24:10,22,28.at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.