Pular para o conteúdo
Publicidade

Juan 21:9,15-19

OASD Ang Salita ng Diyos

9 Pagdating nila sa dalampasigan, nakita nila roon ang nagbabagang uling na may nakasalang na isda, at ilang tinapay.

Si Hesus at si Pedro

15 Pagkatapos nilang mag-almusal, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro, "Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit sa mga ito?"

Sumagot si Pedro, "Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo."

Sinabi ni Hesus, "Alagaan mo ang aking mga batang tupa."

16 Muling sinabi ni Hesus, "Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako?"

Sumagot si Pedro, "Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo."

Sinabi ni Hesus, "Alagaan mo ang aking mga tupa."

17 Sa ikatlong ulit ay sinabi ni Hesus, "Simon na anak ni Juan, mahal mo ba talaga ako?"

Nasaktan si Pedro dahil tatlong beses na siyang tinanong kung mahal niya si Hesus. Kaya sumagot siya, "Panginoon, alam nʼyo po ang lahat ng bagay. Alam nʼyo rin pong mahal ko kayo."

Sinabi sa kanya ni Hesus, "Alagaan mo ang aking mga tupa. 18 Sinasabi ko sa iyo ang totoo, noong bata ka pa, ikaw mismo ang nagbibihis sa sarili mo, at pumupunta ka kung saan mo gusto. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang mga kamay mo at iba na ang magbibihis sa iyo, at dadalhin ka sa lugar na hindi mo gusto." 19 Sinabi ito ni Hesus upang ipahiwatig kung anong klaseng kamatayan ang daranasin ni Pedro upang maparangalan ang Diyos. Pagkatapos, sinabi ni Hesus kay Pedro, "Sumunod ka sa akin."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    9 Kaya’t nang sila’y magsilunsad sa lupa, ay nakakita sila doon ng mga bagang uling, at isda ang nakalagay sa ibabaw, at tinapay.

    15 Kaya’t nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako Mat. 26:33;Mar. 14:29.ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero.

    16 Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. 1 Ped. 5:2.Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.

    17 Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabing Juan 13:38.makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.

    18 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbibihis, at ikaw ay lumalakad kung saan mo ibig; nguni’t pagtanda mo’y iuunat mo ang iyong mga kamay, at bibigkisan ka ng iba, at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.

    19 Ito nga’y sinalita niya, na ipinaalam 2 Ped. 1:14.kung sa anong kamatayan ang iluluwalhati niya sa Dios. At pagkasalita niya nito, ay sinabi niya sa kaniya, Juan 13:36.Sumunod ka sa akin.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.