6 Magpakatatag ka at magpakatapang, dahil ikaw ang mamumuno sa mga taong ito para angkinin ang lupaing ipinangako ko sa inyong mga ninuno.
7 "Magpakatatag ka lamang at magpakatapang. Sundin mong mabuti ang lahat ng kautusan na ibinigay saʼyo ng lingkod kong si Moises. Huwag mo itong kalilimutan upang magtagumpay ka, saan ka man magpunta. 9 Alalahanin mo palagi ang bilin ko sa iyo: Magpakatatag ka at magpakatapang. Huwag kang matakot o kayaʼy manghina, dahil ako, ang Panginoon na iyong Diyos ay kasama mo kahit saan ka pumunta."