Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Hukom 13

6 Pumunta ang babae sa kanyang asawa at sinabi, "Nagpakita sa akin ang isang kamangha-manghang lingkod ng Diyos na parang anghel. Hindi ko naitanong kung taga-saan siya at hindi rin niya sinabi kung sino siya. 7 Sinabi niya sa akin na mabubuntis ako at manganganak ng lalaki. Sinabihan din niya ako na huwag iinom ng alak o anumang uri ng inuming nakalalasing, o kumain ng anumang pagkain na itinuturing na marumi, dahil ang sanggol na isisilang ko ay itatalaga sa Diyos bilang isang Nazareo mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa mamatay siya."

8 Dahil dito, nanalangin si Manoa, "Panginoon, kung maaari po, pabalikin ninyo sana ang taong isinugo nʼyo upang turuan kami kung ano ang dapat naming gawin sa anak namin kapag isinilang na siya."

Veja também