Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 10

28 Sinabi sa kanya ni Pedro, "Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo."

29 Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang lahat ng nag-iwan ng bahay, mga kapatid, mga magulang, mga anak, o mga lupa dahil sa akin at sa Magandang Balita 30 ay tatanggap sa panahong ito ng mas marami pa kaysa sa kanyang iniwan: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, mga lupa, pati mga pag-uusig. At tatanggap din siya ng buhay na walang hanggan sa darating na panahon. 31 Maraming dakila ngayon ang magiging hamak, at maraming hamak ngayon ang magiging dakila."

Veja também