35 Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at nagsabi, "Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo."
36 "Ano ang kahilingan ninyo?" tanong ni Hesus.
37 Sumagot sila, "Sana po, kapag naghahari na kayo ay paupuin nʼyo kami sa inyong tabi; isa sa kanan at isa sa kaliwa."
41 Nang malaman ng sampung alagad kung ano ang hiningi nina Santiago at Juan, nagalit sila sa kanila. 42 Kaya tinawag silang lahat ni Hesus at sinabi, "Alam nʼyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga bansa ay may kapangyarihan sa mga taong nasasakupan nila, at kahit ano ang gustuhin nila ay nasusunod. 43 Ngunit hindi dapat ganyan ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo. 44 At ang sinuman sa inyo na gustong maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. 45 Sapagkat kahit ang Anak ng Tao ay naparito sa mundo, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang tubusin ang maraming tao!"
Pinagaling ni Hesus ang Bulag na si Bartimeo
(Mat. 20:29-34; Luc. 18:35-43)