Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 10

Pinagaling ni Hesus ang Bulag na si Bartimeo

46 Dumating sina Hesus sa Jerico. At nang paalis na siya roon kasama ang mga alagad niya, sumunod sa kanila ang napakaraming tao. Sa tabi ng daan, may isang bulag na nakaupo at namamalimos. Siyaʼy si Bartimeo (na ang ibig sabihin ay "anak ni Timeo"). 47 Nang marinig niyang dumadaan si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya, "Hesus, Anak ni David,10:47 Anak ni David: Ito ang tawag ng mga Hudyo sa Mesias o Kristo dahil sa paniniwalang galing siya sa angkan ni David. Ganito rin sa ibang bahagi ng Bibliya kung saan ginamit ang katagang ito. maawa po kayo sa akin!"

48 Pinagsabihan siya ng maraming tao na tumahimik, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, "Anak ni David, maawa po kayo sa akin!"

49 Tumigil si Hesus at sinabi, "Tawagin ninyo siya."

Kaya tinawag nila si Bartimeo at sinabi, "Lakasan mo ang loob mo. Tumayo ka, dahil ipinapatawag ka ni Hesus." 50 Inihagis ni Bartimeo ang balabal niya at dali-daling tumayo at lumapit kay Hesus.

51 Tinanong siya ni Hesus, "Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?"

Sumagot ang bulag, "Rabbi, gusto ko pong makakita."

52 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Umuwi ka na; pinagaling10:52 pinagaling: O iniligtas. ka ng iyong pananampalataya." Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus sa daan.

Veja também