Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 11

Ang Pagpasok ni Hesus sa Jerusalem Bilang Hari

1 Nang malapit na sina Hesus sa Jerusalem, tumigil sila sa Bundok ng mga Olibo malapit sa mga nayon ng Betfage at Betania. Pinauna ni Hesus ang dalawa niyang alagad. 2 Sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang bisirong asno na nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito. 3 Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyo, Kailangan ng Panginoon at ibabalik din agad.’ "

4 Kaya lumakad ang dalawa, at nakita nga nila ang asno sa tabi ng daan, na nakatali sa pintuan ng isang bahay. Habang kinakalagan nila ang asno, 5 tinanong sila ng mga taong nakatayo roon, "Ano ang ginagawa ninyo? Bakit ninyo kinakalagan ang asnong ʼyan?" 6 Sinabi nila ang ipinasasabi ni Hesus, kaya pinabayaan na silang umalis. 7 Dinala nila ang asno kay Hesus. Sinapinan nila ng kanilang mga balabal ang likod ng asno at sinakyan ito ni Hesus. 8 Maraming tao ang naglatag ng mga balabal nila sa daan, at ang iba naman ay naglatag ng mga madahong sanga na pinutol nila sa parang. 9 Ang mga nauuna kay Hesus at ang mga sumusunod sa kanya ay sumisigaw,

"Papuri sa Diyos!"

"Pinagpala ang dumarating

sa ngalan ng Panginoon!"11:9 Salmo 118:26.

10 "Pinagpala ang dumarating na kaharian

ng ninuno nating si David!"

"Papuri sa Diyos sa Kaitaasan!"

11 Pagdating ni Hesus sa Jerusalem ay pumunta siya sa patyo ng Templo. Pinagmasdan niyang mabuti ang lahat ng bagay doon. At dahil gumagabi na, pumunta siya sa Betania kasama ang labindalawang alagad niya.

Veja também