Ang Pagmamalasakit ni Hesus sa Templo
15 Pagdating nila sa Jerusalem, pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga lamesa ng mga tagapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. 16 Pinagbawalan niya ang mga taong may paninda na dumaan sa patyo ng Templo. 17 Pagkatapos, pinangaralan niya ang mga tao roon. Sinabi niya, "Hindi baʼt sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng bansa?’11:17 Isa. 56:7. Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan.11:17 Jer. 7:11."
18 Nabalitaan ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan ang ginawa ni Hesus. Kaya humanap sila ng paraan upang mapatay siya. Ngunit natatakot sila sa kanya dahil hangang-hanga ang mga tao sa kanyang mga turo.
19 Kinagabihan, umalis si Hesus sa Jerusalem kasama ang mga alagad niya.