Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 12:13-17

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Katanungan tungkol sa Pagbabayad ng Buwis

13 Hindi nagtagal, nagsugo sila ng ilang Pariseo at mga alagad ni Herodes upang hulihin si Hesus sa kanyang mga sinasabi. 14 Kaya lumapit sila kay Hesus at nagtanong, "Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi ninyo, at wala kayong kinikilingan. Sapagkat hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao, sa halip ay itinuturo ninyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Sabihin nʼyo po, nararapat bang magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma12:14 Emperador ng Roma: Sa literal, Cesar. o hindi? 15 Magbabayad po ba kami ng buwis?"

Ngunit alam ni Hesus na nagkukunwari lamang sila, kaya sinabi niya, "Bakit ninyo ako sinusubukang hulihin sa tanong na iyan? Magdala nga kayo rito ng pera12:15 pera: Sa literal, denario, ito ang tawag sa pera ng mga Romano. at titingnan ko." 16 Dinalhan nga nila ng pera si Hesus. Nagtanong siya, "Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa perang ito?"

Sumagot sila, "Sa Emperador."

17 Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, "Ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos."

Namangha sila sa kanyang sagot.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    13 At kanilang sinugo sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga Herodiano, upang siya’y mahuli nila sa pananalita.

    14 At nang sila’y magsilapit, ay kanilang sinabi sa kaniya, Guro, nalalaman namin na ikaw ay totoo, at hindi ka nangingimi kanino man; sapagka’t hindi ka nagtatangi ng mga tao, kundi itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios: Matuwid bagang bumuwis kay Cesar, o hindi?

    15 Bubuwis baga kami, o hindi kami bubuwis? Datapuwa’t siya, na nakatataho ng kanilang pagpapaimbabaw, ay nagsabi sa kanila, Bakit ninyo ako tinutukso? magdala kayo rito sa akin ng isang denario, upang aking makita.

    16 At dinalhan nila. At sinabi niya sa kanila, Kanino ang larawang ito at ang nasusulat? At sinabi nila sa kaniya, kay Cesar.

    17 At sinabi sa kanila ni Jesus, ibigay ninyo kay Cesar ang sa kay Cesar, at sa Dios ang sa Dios. At sila’y nanggilalas na mainam sa kaniya.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.