Ang Katanungan tungkol sa Muling Pagkabuhay
18 May mga Saduceo na lumapit kay Hesus at nagtanong. Sila ang mga paring Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. 19 Sinabi nila, "Guro, ayon po sa isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan nitong asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.12:19 Deu. 25:5. 20 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. 21 Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Ngunit namatay din ito nang wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo 22 hanggang sa ikapitong kapatid. Namatay silang lahat nang walang anak sa babae. At sa huli, namatay din ang babae. 23 Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil naging asawa niya silang lahat?"
24 Sumagot si Hesus, "Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos. 25 Sa muling pagkabuhay ng mga patay ay wala nang pag-aasawa; magiging tulad sila ng mga anghel sa langit. 26 Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi nʼyo ba nabasa ang isinulat ni Moises? Noong naroon siya sa may nagliliyab na mababang punongkahoy, sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob.’12:26 Exo. 3:6. 27 Diyos siya ng mga buhay, hindi ng mga patay. Kaya maling-mali kayo!"