Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan
38 Sinabi pa ni Hesus sa kanyang pagtuturo, "Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit.12:38 espesyal na damit: Sa literal, mahabang damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.12:38 mga mataong lugar: Sa literal, mga palengke. 39 Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan. 40 Dinadaya nila ang mga biyuda upang makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa."