Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 13:32-37

OASD Ang Salita ng Diyos

Walang Taong Nakakaalam Kung Kailan Babalik si Hesus

32 "Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. 33 Kaya mag-ingat kayo at laging magbantay, dahil hindi ninyo alam kung kailan ako darating. 34 Maaari natin itong ihambing sa isang taong papunta sa malayong lugar. Bago siya umalis ng bahay ay binigyan niya ng kanya-kanyang gawain ang bawat alipin niya at saka binilinan ang guwardiya sa pintuan na maging handa.

35 "Kaya maging handa kayo, dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang may-ari ng bahay; maaaring sa hapon o sa hatinggabi, sa madaling-araw o sa umaga. 36 Baka bigla siyang dumating at madatnan kayong natutulog. 37 Kaya ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko rin sa lahat: Maging handa kayo!"

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    32 Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.

    33 Kayo’y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon.

    34 Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa’t isa’y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat.

    35 Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga;

    36 Baka kung biglang pumarito ay kayo’y mangaratnang nangatutulog.

    37 At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagpuyat kayo.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.