Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 14:55-64

55 Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya laban kay Hesus upang mahatulan siya ng kamatayan. Ngunit wala silang makuha. 56 Marami ang sumasaksi ng kasinungalingan laban kay Hesus, pero magkakasalungat naman ang mga sinasabi nila.

57 May ilang sumasaksi ng kasinungalingang ito laban kay Hesus. Sinabi nila, 58 "Narinig po naming sinabi niya, ‘Gigibain ko ang Templong ito na gawa ng tao, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng ibang Templo na hindi gawa ng tao!’ " 59 Ngunit hindi rin magkakatugma ang sinasabi nila.

60 Tumayo sa gitna ang punong pari at tinanong si Hesus, "Wala ka bang maisasagot sa mga paratang na ito laban sa iyo?" 61 Ngunit nanatiling walang imik si Hesus at hindi sumagot.

Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, "Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Kapuri-puring Diyos?"

62 Sumagot si Hesus, "Ako nga siya, at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos. At makikita rin ninyo siya sa mga ulap na paparating dito sa mundo."

63 Nang marinig ito ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, "Hindi na natin kailangan ng mga saksi! 64 Narinig ninyo ang paglapastangan niya sa Diyos. Ano ngayon ang hatol ninyo?"

At hinatulan nila si Hesus ng kamatayan.

Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.