Dinala si Hesus kay Pilato
1 Kinaumagahan, agad na nagpulong ang mga namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo, mga tagapagturo ng Kautusan at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin upang planuhin kung ano ang susunod nilang hakbang. Ginapos nila si Hesus at dinala kay Pilato15:1 Si Pilato ay isang Romanong gobernador na siyang namamahala sa distrito ng Judea..
2 Tinanong siya ni Pilato, "Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?"
Sumagot si Hesus, "Kayo na ang nagsabi."
3 Naglabas ng kung ano-anong akusasyon ang mga namamahalang pari laban kay Hesus. 4 Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, "Wala ka bang sagot sa mga paratang nilang ito? Marami silang paratang laban sa iyo!"
5 Ngunit hindi pa rin sumagot si Hesus, kaya nagtaka si Pilato.