Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 15:21-32

Ipinako sa Krus si Hesus

21 Isang taong nagngangalang Simon ang nakasalubong nila. Siyaʼy galing sa . Siya ang ama nina Alejandro at Rufo. Sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus. 22 Pagkatapos, dinala nila si Hesus sa lugar na tinatawag na Golgota (na ang ibig sabihin ay "lugar ng bungo"). 23 Pagdating nila roon, binigyan nila si Hesus ng alak na may halong mira, ngunit hindi niya ito ininom. 24 Ipinako nila sa krus si Hesus at pinaghati-hatian nila ang mga damit niya sa pamamagitan ng palabunutan para malaman nila ang bahaging mapupunta sa bawat isa.

25 Alas nuwebe noon ng umaga nang ipako siya sa krus. 26 May karatula sa itaas ng krus, at ganito ang nakasulat na paratang laban sa kanya: Ang Hari ng mga Hudyo.

27 May dalawang tulisan na ipinako rin sa krus kasabay ni Hesus, isa sa kanan niya at isa sa kaliwa. [ 28 Sa pangyayaring ito, natupad ang sinasabi sa Kasulatan, "At siyaʼy ibinilang kasama ng mga kriminal."]15:28 Wala ang talatang ito sa ilang manuskrito.

29 Ininsulto si Hesus ng mga taong napapadaan doon. Napapailing sila at sabay sabi, "O ano ngayon? Hindi baʼt sinasabi mong gigibain mo ang Templo at muli mong itatayo sa loob ng tatlong araw? 30 Bumaba ka sa krus at iligtas mo ang iyong sarili!" 31 Ganito rin ang pangungutya ng mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Sinasabi nila sa isaʼt isa, "Iniligtas niya ang iba, pero hindi niya mailigtas ang kanyang sarili! 32 Tingnan nga natin kung makakababa sa krus ang Mesias na ito na hari raw ng Israel! Kapag nakababa siya, maniniwala na tayo sa kanya." Maging ang mga ipinakong kasabay niya ay hinamak rin siya.

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Cirene
Hoje: Shahhat (Cirene), Líbia
ΚυρήνηKurēnē
Cirene é o lugar de onde veio Simão, obrigado a carregar a cruz de Jesus; de lá também eram Lúcio, profeta e mestre em Antioquia, e judeus que discutiram com Estêvão (Mateus 27:32).
32,82° N, 21,85° L
Citado em 7 versículosTb.: Cireneu
Ver página completa
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.