Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 3:1-6

OASD Ang Salita ng Diyos

Nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga

1 Pagdating ng isa pang Araw ng Pamamahinga, muling pumunta si Hesus sa sinagoga, at dooʼy may isang lalaking paralisado ang isang kamay. 2 May mga taong naroon na nagmamatyag kung pagagalingin ni Hesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. 3 Sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, "Halika rito sa harapan."

4 Pagkatapos, tinanong niya ang mga tao roon, "Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: Ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?" Ngunit hindi sila umimik.

5 Galit na tiningnan ni Hesus ang mga nakapaligid sa kanya, ngunit nalungkot din siya sa katigasan ng kanilang mga puso. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, "Iunat mo ang iyong kamay!" Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito. 6 Agad na umalis ang mga Pariseo at nakipagpulong sa mga alagad ni Herodes upang pagplanuhan kung paano nila ipapapatay si Hesus.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 At siya’y muling pumasok sa sinagoga; at doo’y may isang lalake na tuyo ang kaniyang kamay.

    2 At siya’y inaabangan nila kung pagagalingin siya sa araw ng sabbath; upang siya’y maisakdal nila.

    3 At sinabi sa lalaking tuyo ang kamay, Magtindig ka.

    4 At sinabi niya sa kanila, Katuwiran baga ang gumawa ng magaling sa araw ng sabbath, o ang gumawa ng masama? magligtas ng isang buhay, o pumatay? Datapuwa’t sila’y hindi nagsiimik.

    5 At nang siya’y lumingap sa kanila sa palibotlibot na may galit, sapagka’t ikinalungkot niya ang katigasan ng kanilang puso, ay sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya: at gumaling ang kaniyang kamay.

    6 At nagsilabas ang mga Fariseo, at pagdaka’y nakipagsanggunian sa mga Herodiano laban sa kaniya, kung paanong siya’y maipapupuksa nila.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.