Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 3

Ang Ina at mga Kapatid ni Hesus

31 Dumating naman ang ina at mga kapatid ni Hesus. Habang nakatayo sila sa labas, ipinatawag nila siya. 32 Maraming tao ang nakaupo sa palibot niya noon, at may nagsabi sa kanya, "Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at ipinapatawag kayo."

33 Sumagot si Hesus, "Sino ang aking ina at mga kapatid?"

34 Tiningnan niya ang mga taong nakapalibot sa kanya at sinabi, "Ang mga ito ang aking ina at mga kapatid! 35 Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos ang siya kong ina at mga kapatid."

Veja também