Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 4:21-25

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Talinghaga tungkol sa Ilaw

21 Sinabi pa ni Hesus sa kanila, "Sinisindihan ba ang ilaw para takpan ng takalan o ilagay sa ilalim ng higaan? Hindi baʼt inilalagay ito sa patungan? 22 Ganoon din naman, walang nakatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag. 23 Makinig ang sinumang may pandinig!"

24 "Makinig kayong mabuti sa sinasabi ko," dagdag pa niya. "Dahil kung paano kayo makinig, gayundin ang pang-unawang ibibigay ng Diyos sa inyo,4:24 Sa literal, Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo. at dadagdagan pa niya ito. 25 Sapagkat ang taong nakikinig nang mabuti ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi nakikinig, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    21 At sinabi niya sa kanila, Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw?

    22 Sapagka’t walang anomang bagay na natatago, kundi upang mahayag; ni nalilihim, kundi yao’y upang mapasa liwanag.

    23 Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.

    24 At sinabi niya sa kanila, Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: sa panukat na inyong isinusukat ay kayo’y susukatin; at higit pa ang sa inyo’y ibibigay.

    25 Sapagka’t ang mayroon, ay bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.