Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 7

Ang Pananampalataya ng Isang Babaeng Hentil

24 Umalis si Hesus doon at nagtungo sa isang lugar malapit sa Tiro [at Sidon]7:24 at Sidon: Wala ito sa ilang mga manuskrito.. Tumuloy siya sa isang bahay dahil ayaw niyang malaman ng mga tao na naroon siya, ngunit nalaman pa rin nila. 25 Sa katunayan, nang marinig ito ng isang ina na may anak na babaeng sinasaniban ng masamáng espiritu, agad siyang pumunta at nagpatirapa sa paanan ni Hesus. 26 Siya ay isang Hentil na taga-Sirofenicia. Nagmakaawa siyang palayasin ni Hesus ang demonyo sa kanyang anak.

27 Ngunit sumagot si Hesus, at sinabi, "Dapat munang pakainin ang mga anak, dahil hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso."

28 Sumagot ang babae, "Tama po kayo, Panginoon, ngunit maging ang mga aso sa ilalim ng mesa ay kumakain ng mga mumo na nahuhulog ng mga bata."

29 Kaya sinabi ni Hesus sa kanya, "Dahil sa sinabi mong iyan, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak."

30 Umuwi nga ang babae at nadatnan ang anak niya sa higaan, at wala na ang sumaping demonyo.

Veja também