25 Sa katunayan, nang marinig ito ng isang ina na may anak na babaeng sinasaniban ng masamáng espiritu, agad siyang pumunta at nagpatirapa sa paanan ni Hesus. 26 Siya ay isang Hentil na taga-Sirofenicia. Nagmakaawa siyang palayasin ni Hesus ang demonyo sa kanyang anak.
29 Kaya sinabi ni Hesus sa kanya, "Dahil sa sinabi mong iyan, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak."
30 Umuwi nga ang babae at nadatnan ang anak niya sa higaan, at wala na ang sumaping demonyo.