Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 8:1-10

Pinakain ni Hesus ang Apat na Libo

1 Sa mga araw na iyon, muling nagtipon ang napakaraming tao sa kinaroroonan ni Hesus. At dahil wala na silang makain, tinawag ni Hesus ang mga alagad niya at sinabi, 2 "Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. 3 Kung pauuwiin ko sila nang gutom, baka himatayin sila sa daan dahil malayo pa ang pinanggalingan ng iba sa kanila."

4 Sumagot ang mga alagad niya, "Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?"

5 Tinanong sila ni Hesus, "Ilan ang tinapay ninyo riyan?"

Sinabi nila, "Pito po."

6 Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. At ginawa nga nila ito. 7 Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Nagpasalamat si Hesus para sa mga iyon at iniutos niya sa kanyang mga alagad na ipamigay din sa mga tao. 8 Kumain sila at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng pitong kaing. 9 Ang bilang ng mga taong kumain ay mga apat na libo. Matapos pauwiin ni Hesus ang mga tao, 10 agad siyang sumakay sa bangka kasama ang mga alagad niya, at pumunta sila sa Dalmanuta.

Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.