Ipinahayag ni Pedro na si Hesus ang Mesias
27 Pagkatapos, pumunta si Hesus at ang mga alagad niya sa mga nayon ng Cesarea-Filipos. Habang naglalakad sila, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, "Sino raw ako ayon sa mga tao?"
28 Sumagot sila, "May mga nagsasabing kayo raw po si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta."
29 Tinanong sila ni Hesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" Sumagot si Pedro, "Kayo po ang Mesias!"