33 Dumating sila sa Capernaum. At nang nasa bahay na sila, tinanong sila ni Hesus, "Ano ba ang pinagtatalunan ninyo kanina sa daan?" 34 Hindi sila sumagot, dahil ang pinagtatalunan nila ay kung sino sa kanila ang pinakadakila.
35 Kaya umupo si Hesus at tinawag ang labindalawa, at sinabi sa kanila, "Ang sinuman sa inyo na gustong maging una ay dapat maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat."
36 Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanila, 37 "Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa aking Ama na nagsugo sa akin."