Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 9:42-48

Mga Dahilan ng Pagkakasala

42 "Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat. 43 Kung ang kamay mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mas mabuti pang isa lang ang kamay mo pero makakamtan mo ang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa ang kamay mo pero sa impiyerno ka naman mapupunta, kung saan ang apoy ay hindi namamatay. [ 44 Kung saan ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi napapawi.]9:44 Idinagdag dito ng ibang mga manuskrito ang mga kataga sa talata 48|MRK 9:48. 45 Kung ang isa mong paa ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito! Mas mabuti pang iisa lang ang iyong paa mo ngunit mayroon kang buhay na walang hanggan, kaysa sa dalawa nga ang iyong paa ngunit itatapon ka naman sa impiyerno. [ 46 Kung saan ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay at ang apoy ay hindi napapawi.]9:46 Ang talatang ito ay idinagdag dito ng ibang mga manuskrito mula sa talata 48|MRK 9:48. 47 At kung ang isa mong mata ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukutin mo ito! Mas mabuti pang iisa lang ang iyong mata ngunit mapapabilang ka sa kaharian ng Diyos, kaysa sa dalawa nga ang iyong mata ngunit itatapon ka naman sa impiyerno, 48 kung saan ‘ang mga uod na kumakain sa kanila ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi napapawi.’9:48 Isa. 66:24.

Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.