Ang Natuyong Puno ng Igos
18 Kinaumagahan, habang pabalik na sina Hesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya. 19 May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Ngunit wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, "Hindi ka na mamumunga kailanman!" At agad na natuyo ang puno.
20 Namangha ang mga alagad ni Hesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, "Paanong natuyo kaagad ang puno?"
21 Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo at walang pag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos. At hindi lang iyan, maaari rin ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ at lilipat nga ito. 22 Anumang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin ay matatanggap ninyo kung may pananampalataya kayo."