10 Nalaman ko rin na ang mga Levita ay hindi na nabigyan ng bahagi na para sa kanila, kaya sila at ang mga mang-aawit na pinagkatiwalaan ng mga gawain sa Templo ay nagsiuwi upang magsaka. 11 Kaya pinagsabihan ko ang mga opisyal, "Bakit pinapabayaan nʼyo ang bahay ng Diyos?" Ipinatawag ko agad ang mga Levita at ang mga mang-aawit at pinabalik sa mga gawain nila sa Templo.
12 At muli ang lahat ng mamamayan ng Juda ay nagdala ng ikapu ng kanilang mga trigo, bagong alak, at langis doon sa mga bodega.