Pular para o conteúdo
Publicidade

Nehemias 13:12-14

OASD Ang Salita ng Diyos

12 At muli ang lahat ng mamamayan ng Juda ay nagdala ng ikapu ng kanilang mga trigo, bagong alak, at langis doon sa mga bodega. 13 Ang pinamahala ko sa mga bodega ay si Selemias na pari, si Sadoc na tagapagturo ng kautusan, at ang Levitang si Pedaias. Pinatulong ko rin sa kanila si Hanan na anak ni Zacur at apo ni Matanias. Sila ang pinili dahil maaasahan sila. Ipinagkatiwala ko rin sa kanila ang pamamahagi ng mga pangangailangan ng kapwa nila manggagawa sa Templo.

14 O aking Diyos, alalahanin po ninyo ako at huwag kalimutan ang tapat kong paglilingkod para sa inyong Templo at sa mga gawain dito.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    12 Nang magkagayo’y dinala ng Neh. 10:38;12:44.buong Juda ang ikasangpung bahagi ng trigo at ng alak at ng langis sa mga ingatang-yaman.

    13 2 Cron. 31:12-13.At ginawa kong mga tagaingat-yaman sa mga ingatang-yaman, si Selemias na saserdote, at si Sadoc na kalihim, at sa mga Levita, si Pedaias: at kasunod nila ay si Hanan na anak ni Zaccur, na anak ni Mathanias: sapagka’t sila’y nangabilang na Neh. 7:2;1 Cron. 4:2.tapat, at ang kanilang mga katungkulan ay magbahagi sa kanilang mga kapatid.

    14 tal. 22, 31;Neh. 5:10.Alalahanin mo ako, Oh aking Dios, tungkol dito, at huwag mong pawiin ang aking mga mabuting gawa na aking ginawa sa ikabubuti ng bahay ng aking Dios, at sa pagganap ng kaugaliang paglilingkod doon.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.