Pular para o conteúdo
Publicidade

Nehemias 8:8-12

OASD Ang Salita ng Diyos

8 Bumasa sila mula sa Aklat ng Kautusan ng Diyos at ipinaliwanag ang kahulugan nito8:8 ipinaliwanag ang kahulugan nito: Maaaring pati ang pagpapaliwanag ng Kautusan sa wikang Arameo dahil itoʼy nakasulat wikang Hebreo., upang maunawaan ng mga tao.

9 Habang nakikinig ang mga tao sa sinasabi ng Kautusan ay umiiyak sila. Sinabi sa kanila nina Nehemias na gobernador, Ezra na pari at tagapagturo ng kautusan, at ng mga Levita na nagpapaliwanag sa kanila ng Kautusan, "Ang araw na ito ay banal sa Panginoon na inyong Diyos, kaya huwag kayong umiyak."

10 Sinabi pa ni Nehemias, "Magdiwang kayo, kumain ng masasarap na pagkain at uminom ng masasarap na inumin. Bigyan nʼyo ang mga walang pagkain, dahil ang araw na ito ay banal sa Panginoon. At huwag kayong mabalisa, dahil ang kagalakang ibinigay ng Panginoon ay magpapatatag sa inyo."

11 Sinabi rin ng mga Levita, "Tumahimik kayo! Huwag kayong mabalisa! Sapagkat banal ang araw na ito."

12 Kaya umuwi ang lahat ng tao upang kumain at uminom at magbigay ng pagkain sa iba. Nagdiwang sila nang may lubos na kagalakan dahil naunawaan nila ang mga mensahe ng Diyos na binasa sa kanila.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    8 At sila’y nagsibasa sa aklat, sa kautusan ng Dios, na maliwanag; at kanilang ibinigay ang kahulugan, na anopa’t kanilang nabatid ang binasa.

    9 At si Nehemias na siyang Ezra 2:63; 7:65;10:1.tagapamahala, at si Ezra na saserdote na kalihim, at ang mga Levita tal. 7, 8, 12.na nangagturo sa bayan, ay nangagsabi sa buong bayan: Ang araw na ito ay banal sa Panginoon ninyong Dios; huwag kayong magsitaghoy, ni magsiiyak man. Sapagka’t ang buong bayan ay umiyak, nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan.

    10 Nang magkagayo’y kaniyang sinabi sa kanila, Magsilakad kayo ng inyong lakad, magsikain kayo ng taba, at magsiinom kayo ng matamis; at mangagpadala kayo ng mga bahagi roon sa walang naihanda: sapagka’t ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon: huwag din kayong mangamanglaw; sapagka’t ang kagalakan sa Panginoon ay inyong kalakasan.

    11 Sa gayo’y napatahimik ng mga Levita ang buong bayan, na sinasabi, Kayo’y magsitahimik, sapagka’t ang kaarawan ay banal; ni huwag man kayong mamanglaw.

    12 At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi, at nangagsayang mainam sapagka’t kanilang tal. 7-9.nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.