Pular para o conteúdo
Publicidade

Romanos 12

6 Ibaʼt iba ang kakayahang ibinigay sa atin ng Diyos ayon sa kanyang biyaya, kaya gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ipinagkaloob sa isang tao ay pagpapahayag ng salita ng Diyos, kailangang ipahayag niya ito ayon sa kanyang pananampalataya. 7 Kung ang ipinagkaloob sa kanya ay paglilingkod, maglingkod siya. Kung pagtuturo, magturo siya; 8 kung pagpapalakas-loob, magpalakas siya nang loob; kung pagbibigay, magbigay siya nang bukas-palad; kung pamumuno, mamuno siya nang buong sikap; at kung pagtulong sa nangangailangan, tumulong siya nang may kagalakan.

Veja também