11,12 Pero sinabi ni Naomi, "Umuwi na kayo, mga anak. Bakit pa kayo sasáma sa akin? Magkakaanak pa ba ako ng mga lalaking mapapangasawa ninyo? Umuwi na kayo, mga anak, sapagkat matanda na ako at hindi na magkakaasawa pa. Ipagpalagay man natin na makapag-asawa nga ako ngayong gabi at magkaanak pa, 13 hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa dahil sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon."