12 Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Diyos sa mga nagmamahal sa kanya.
13 Huwag sabihin ninuman kapag siyaʼy dumaranas ng pagsubok, "Akoʼy tinutukso ng Diyos," sapagkat hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin niya tinutukso ang sinuman. 14 Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. 15 At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.