Pagtitiyaga sa Pagdurusa
7 Mga kapatid, maging matiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pagmasdan ninyo ang mga magsasaka, matiyaga nilang hinihintay ang unang pag-ulan. At pagkatapos nilang magtanim, matiyaga rin silang naghihintay sa susunod na ulan at anihan. 8 Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob dahil nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.