Publicidade

Graça

Por Bíblia Online

A graça de Deus é favor imerecido. Pela graça somos salvos, pela graça vivemos, pela graça somos sustentados. É o dom mais precioso de Deus — dado a quem não merece.

Salvos pela graça

Pela graça sois salvos, mediante a fé, e isto não vem de vós — é dom de Deus. Não por obras, para que ninguém se glorie.

Sapagkat dahil sa biyaya ng Diyos ay naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Kristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, upang walang maipagmalaki ang sinuman.

Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.)

Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, itinuring niya tayong matuwid sa pamamagitan ni Kristo Hesus na siyang tumubos sa atin.

Ngunit magkaiba ang idinulot ng kasalanan ni Adan sa kaloob ng Diyos. Sapagkat dahil sa kasalanan ng isang tao, marami ang namatay. Ngunit nakahihigit pa rin ang kagandahang-loob ng Diyos at ang kaloob niya sa maraming tao sa pamamagitan din ng isang tao na walang iba kundi si Hesu-Kristo.

Kaya kung paanong naghari ang kasalanan at nagdulot ng kamatayan, ganoon din naman, naghahari ang biyaya ng Diyos at nagdudulot ng buhay na walang hanggan. At dahil sa ginawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo, itinuring tayong matuwid ng Diyos.

Graça que capacita

A graça me basta, pois o poder se aperfeiçoa na fraqueza. Na graça, não estamos mais sob a lei, mas sob o favor de Deus.

Sapagkat hindi na dapat maghari pa sa inyo ang kasalanan, dahil wala na kayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa ilalim na ng biyaya ng Diyos.

Ngayon, dahil wala na tayo sa ilalim ng Kautusan kundi nasa biyaya na ng Diyos, nangangahulugan bang magpapatuloy pa rin tayo sa paggawa ng kasalanan? Siyempre hindi!

Iniligtas at tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang banal, hindi dahil sa ating mga gawa kundi ayon sa layunin at biyaya na ibinigay sa atin ni Kristo Hesus bago pa nagsimula ang mundo.

Sapagkat nahayag na ang kagandahang loob ng Diyos na nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos,

Kaya palagi ninyong ihanda ang inyong isipan na gawin ang kalooban ng Diyos. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Hesu-Kristo.

Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.

A graça de Deus

O Senhor é compassivo e gracioso, tardio em irar-se e grande em amor. Sua graça é nova a cada manhã.

Ang Panginoon ay mahabagin

at matulungin,

hindi madaling magalit

at sagana sa pagmamahal.

Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo

ay mapapasaakin

habang akoʼy nabubuhay.

At akoʼy maninirahan

sa inyong tahanan,

aking Panginoon, magpakailanman.

Panginoon naming Diyos,

pagpalain nʼyo sana kami

at pagtagumpayin ang aming mga gawain.

Panginoon, sa labis kong paghihirap

akoʼy tumatawag sa inyo.

Dinggin po ninyo ako, Panginoon.

Pakinggan po ninyo ang aking pagsusumamo.

‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

Ipakita nawa ng Panginoon

ang kanyang kabutihan

at awa sa inyo.

At malugod nawa

ang Panginoon sa inyo

at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’

Ngunit naghihintay ang Panginoon

na kayoʼy lumapit sa kanya

para kaawaan niya kayo.

Nakahanda siyang ipadama sa inyo

ang kanyang pagmamalasakit.

Sapagkat ang Panginoon

ay Diyos na makatarungan,

at mapalad ang nagtitiwala

sa kanya.

Viver pela graça

A graça de nosso Senhor Jesus Cristo esteja convosco. Perdoando e confessando, experimentamos a graça restauradora.

Sumainyo nawang lahat ang biyaya ng Panginoong Hesus. Amen.

Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo.

Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Diyos upang matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Ngunit hindi mahalaga sa akin kung ano man ang mangyayari sa aking buhay; nais ko lamang na matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus, na maipangaral ang Magandang Balita tungkol sa biyaya ng Diyos.

"Ganito kamahal ng Diyos ang sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Kung pinapatawad ninyo ang mga taong nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.

Hindi ka uunlad

kung hindi mo ipapahayag

ang iyong mga kasalanan,

ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan,

kahahabagan ka ng Diyos.

Ipinagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel

Nagpadala si Ezequias ng mensahe sa lahat ng mamamayan ng Israel at Juda, pati na sa mga mamamayan ng Efraim at Manases. Inimbita niya sila na pumunta sa Templo ng Panginoon sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Nagpasya ang hari at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa ikalawang buwan. Dapat sanaʼy gaganapin ang pistang ito sa unang buwan, pero kakaunti lang ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili sa panahong iyon at hindi nagtipon ang mga tao sa Jerusalem. Nagustuhan ng hari at ng lahat ng mamamayan ang plano na pagdiriwang ng pista, kaya nagpadala sila ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na dapat pumunta ang mga tao sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Sa mga nagdaang pagdiriwang, kakaunti lang ang nagsidalo. Ngunit sinasabi ng kautusan na dapat dumalo ang lahat.

Sa utos ng hari, pumunta nga ang mga mensahero sa buong Israel at Juda dala ang mga sulat mula sa hari at sa kanyang mga opisyal. Ito ang nakasulat:

"Mga mamamayan ng Israel, ngayong nakaligtas kayo sa kamay ng mga hari ng Asiria, panahon na upang magbalik-loob kayo sa Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob, upang bumalik din siya sa inyo. Huwag nʼyong tularan ang inyong mga ninuno at mga kamag-anak na hindi naging tapat sa Panginoon na kanilang Diyos, na dahil ditoʼy ginawa silang kasuklam-suklam ng Panginoon gaya ng nakikita ninyo ngayon. Kaya huwag maging matigas ang inyong ulo gaya ng inyong mga ninuno, kundi magpasakop kayo sa Panginoon. Pumunta kayo sa Templo na kanyang pinabanal magpakailanman. At maglingkod kayo sa Panginoon na inyong Diyos, upang mawala ang matindi niyang galit sa inyo. Sapagkat kung manunumbalik kayo sa Panginoon, kahahabagan ng mga bumihag ang inyong mga anak at mga kamag-anak, at pababalikin sila rito sa lupain. Sapagkat matulungin at mahabagin ang Panginoon na inyong Diyos. Hindi niya kayo tatalikuran kung manunumbalik kayo sa kanya."

Pumunta ang mga mensahero sa bawat bayan sa buong Efraim at Manases hanggang sa Zebulun, pero pinagtawanan lang sila at hinamak ng mga tao. Ngunit may ibang galing sa Asher, Manases at Zebulun na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem. Kumilos din ang Panginoon sa mga taga-Juda upang magkaisa sila sa pagtupad ng utos ng hari at ng mga opisyal, ayon sa utos ng Panginoon.

Kaya nang ikalawang buwan, maraming tao ang nagtipon sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Inalis nila ang mga altar para sa mga diyos-diyosan sa Jerusalem, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso, at itinapon nila ang lahat ng ito sa Lambak ng Kidron.

Nang ikalabing-apat na araw ng ikalawang buwan, kinatay ng mga tao ang kanilang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Ang mga pari at mga Levita ay napahiya kaya naglinis sila at nag-alay ng mga handog na sinusunog sa Templo ng Panginoon. Pagkatapos, pumuwesto sila sa kanilang mga lugar sa Templo ayon sa mga tuntunin sa kautusan ni Moises na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari sa altar ang dugo na dinala sa kanila ng mga Levita.

Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila, upang silaʼy maging malinis sa harapan ng Panginoon. Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Ezequias para sa kanila. Sinabi niya, "O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Panginoon, ang Diyos ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa Templo." Pinakinggan ng Panginoon si Ezequias at pinatawad niya ang mga tao.

Sa loob ng pitong araw, ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may malaking kagalakan. Araw-araw, umaawit ang mga Levita at ang mga pari ng mga papuri sa Panginoon, na tinutugtugan nang malalakas na instrumento na ginagamit sa pagpupuri sa Panginoon.

Pinuri ni Ezequias ang lahat ng Levita sa mabuting gawa na ipinakita nila sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya nagpatuloy ang pagdiriwang nila sa loob ng pitong araw. Kinain nila ang kanilang bahagi sa mga handog, at naghandog sila ng mga handog pangkapayapaan, at nagpuri sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

Pagkatapos, nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang pa sila ng pitong araw. Kaya ginawa nila ito nang may malaking kagalakan. Nagbigay si Haring Ezequias sa mga tao ng isang libong toro, pitong libong tupa at kambing. Nagbigay din ang mga opisyal ng isang libong toro at sampung libong tupaʼt kambing. Marami sa mga pari ang naglinis ng kanilang sarili.

Masayang nagdiwang ang buong kapulungan ng Juda, ang mga pari, ang mga Levita at ang lahat ng nagtipon mula sa Israel, pati ang mga dayuhang naninirahan sa Israel at Juda. Labis ang kasayahan sa Jerusalem. Wala pang ganitong kasayahan na nangyari sa Jerusalem mula noong panahon na si Solomon na anak ni David ang hari sa Israel. Pagkatapos, nagsitayo ang mga pari at ang mga Levita, at binasbasan nila ang mga tao. At pinakinggan ito ng Diyos sa langit, sa kanyang banal na tahanan.

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-22_10-02-25-