Pular para o conteúdo
Publicidade

Milagres de Jesus

Por Bíblia Online

Os Evangelhos registram dezenas de milagres realizados por Jesus — curas, ressurreições, domínio sobre a natureza e libertações. Cada milagre revelava sua divindade e compaixão.

Curas de cegos e surdos

Jesus devolveu a visão aos cegos e a audição aos surdos, manifestando seu poder sobre toda enfermidade e deficiência.

Pinagaling ni Hesus ang Bulag at ang Pipi

Pagkaalis ni Hesus sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na sumisigaw, "Anak ni David, maawa po kayo sa amin!"

Pagdating ni Hesus sa bahay na kanyang tutuluyan, lumapit sa kanya ang mga bulag na lalaki. Tinanong niya sila, "Naniniwala ba kayo na kaya ko kayong pagalingin?"

Sumagot sila, "Opo, Panginoon."

At hinipo niya ang mga mata nila, at sinabi, "Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya." At nakakita nga ang dalawa. Mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag nila itong sasabihin kaninuman. Ngunit umalis sila at ipinamalita nila sa buong lugar na iyon ang tungkol kay Hesus.

Pinagaling ni Hesus ang Dalawang Bulag

Nang papaalis na sa Jerico si Hesus at ang kanyang mga alagad, sinundan sila ng napakaraming tao. Samantala, may dalawang bulag doon na nakaupo sa tabi ng daan. Nang marinig nilang dumaraan si Hesus, sumigaw sila, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa amin!"

Ngunit sinaway sila ng mga tao at pinagsabihang manahimik. Ngunit lalo pa nilang nilakasan ang kanilang pagsigaw, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa amin!"

Tumigil si Hesus, tinawag sila, at tinanong, "Ano ang gusto ninyong gawin ko sa inyo?"

Sumagot sila, "Panginoon, gusto po naming makakita."

Naawa si Hesus sa kanila, kaya hinipo niya ang kanilang mga mata. Agad silang nakakita at sumunod kay Hesus.

Pinagaling ni Hesus ang Isang Lalaking Bulag

Pagdating nila sa Betsaida, may mga taong nagdala ng isang lalaking bulag kay Hesus. Nagmakaawa sila na hipuin niya ang taong ito. Kaya inakay ni Hesus ang bulag at dinala sa labas ng bayan. Pagkatapos, dinuraan niya ang mga mata ng bulag, ipinatong ang kanyang kamay rito at saka nagtanong, "May nakikita ka na ba?"

Tumingala ang lalaki at sinabi, "Nakakakita na po ako ng mga tao, pero para silang mga punongkahoy na lumalakad."

Kaya muling ipinatong ni Hesus ang mga kamay niya sa mata ng bulag. Pagkatapos, tumingin ulit ang lalaki at lumiwanag ang kanyang paningin. At nakakakita na siya. Bago siya pinauwi ni Hesus ay binilinan siya, "Huwag ka nang bumalik sa Betsaida."

Pinagaling ni Hesus ang Lalaking Pipi at Bingi

Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon. Nagtuloy siya sa lawa ng Galilea, at tinahak niya ang lupain ng Decapolis. Dinala ng mga tao kay Hesus ang isang lalaking pipi at bingi. Nakiusap sila na ipatong niya ang kanyang mga kamay sa lalaki upang gumaling ito.

Inilayo muna ni Hesus ang lalaki sa mga tao. Nang sila na lang, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos ay dumura siya at hinipo ang dila ng lalaki. Tumingala si Hesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, "Effata!" (na ang ibig sabihin ay "Mabuksan ka!") Agad na nakarinig ang lalaki at nakapagsalita nang maayos.

Binilinan naman ni Hesus ang mga tao na huwag ipamalita ang nangyari. Ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. Labis na namangha ang mga tao, at sinabi nila, "Napakahusay ng lahat ng ginawa niya! Kahit ang mga pipi ay nakakapagsalita at ang mga bingi ay nakakarinig."

Pinagaling ni Hesus ang Bulag na si Bartimeo

Dumating sina Hesus sa Jerico. At nang paalis na siya roon kasama ang mga alagad niya, sumunod sa kanila ang napakaraming tao. Sa tabi ng daan, may isang bulag na nakaupo at namamalimos. Siyaʼy si Bartimeo (na ang ibig sabihin ay "anak ni Timeo"). Nang marinig niyang dumadaan si Hesus na taga-Nazaret, sumigaw siya, "Hesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!"

Pinagsabihan siya ng maraming tao na tumahimik, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, "Anak ni David, maawa po kayo sa akin!"

Tumigil si Hesus at sinabi, "Tawagin ninyo siya."

Kaya tinawag nila si Bartimeo at sinabi, "Lakasan mo ang loob mo. Tumayo ka, dahil ipinapatawag ka ni Hesus." Inihagis ni Bartimeo ang balabal niya at dali-daling tumayo at lumapit kay Hesus.

Tinanong siya ni Hesus, "Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?"

Sumagot ang bulag, "Rabbi, gusto ko pong makakita."

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Umuwi ka na; pinagaling ka ng iyong pananampalataya." Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus sa daan.

Pinagaling ni Hesus ang Isang Bulag

Nang malapit na sina Hesus sa Jerico, may isang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Nang marinig niya ang maraming taong dumadaan, nagtanong siya kung ano ang nangyayari. Sinabi sa kanya ng mga tao, "Dumadaan si Hesus na taga-Nazaret."

Sumigaw ang bulag, "Hesus, Anak ni David, maawa po kayo sa akin!"

Sinaway siya ng mga taong nasa unahan, pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, "Anak ni David, maawa po kayo sa akin!"

Tumigil si Hesus at iniutos na dalhin sa kanya ang bulag. Nang makalapit ang bulag, tinanong niya ito, "Ano ang gusto mong gawin ko sa iyo?"

Sumagot ang bulag, "Panginoon, gusto ko pong makakita!"

Sinabi sa kanya ni Hesus, "Makakita ka na! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya." Nakakita siya agad, at sumunod siya kay Hesus nang nagpupuri sa Diyos. Nang makita ng mga tao ang nangyari, nagpuri rin sila sa Diyos.

Pinagaling ni Hesus ang Isang Bulag

Habang naglalakad si Hesus, may nakita siyang isang lalaki. Ang lalaking ito ay ipinanganak na bulag. Tinanong si Hesus ng mga alagad niya, "Rabbi, sino po ba ang nagkasala at ipinanganak siyang bulag? Siya po ba o ang mga magulang niya?"

Sumagot si Hesus, "Hindi dahil sa kasalanan niya o ng mga magulang niya kaya ipinanganak siyang bulag. Nangyari ito upang maipakita ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanya. Dapat na nating gawin ang mga ipinapagawa ng Diyos na siyang nagsugo sa akin habang araw pa, dahil pagsapit ng gabi ay wala nang makakapagtrabaho. Habang akoʼy nasa mundo, ako ang ilaw ng mundo."

Pagkasabi niya nito, dumura siya sa lupa, gumawa ng putik mula sa dura at ipinahid niya sa mata ng bulag. Sinabi ni Hesus sa bulag, "Pumunta ka sa paliguan ng Shiloam at maghilamos ka roon." (Ang ibig sabihin ng Siloam ay "Sinugo".) Pumunta nga roon ang bulag at naghilamos. Nang bumalik siya ay nakakakita na siya.

Curas de paralíticos e enfermos

Paralíticos caminharam, leprosos ficaram limpos e todo tipo de doença foi curada pelo toque e pela palavra de Jesus.

Lumapit sa kanya ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat at lumuhod sa harap niya, at sinabi, "Panginoon, kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis."

Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, "Gusto ko. Gumaling ka!" At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat. At sinabi sa kanya ni Hesus, "Huwag mo itong ipagsasabi kahit kanino. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Dalhin mo ang handog na hinihiling ng Kautusan ni Moises bilang patunay sa mga tao na magaling ka na."

May mga lalaking nagdala sa kanya ng isang paralitikong nakahiga sa banig. Nakita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, kaya sinabi niya sa lalaki, "Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

Nang marinig ito ng ilang tagapagturo ng Kautusan na naroon, sinabi nila sa kanilang sarili, "Nilalapastangan ng taong ito ang Diyos."

Ngunit alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya sinabi niya, "Bakit kayo nag-iisip ng masama? Alin ba ang mas madaling sabihin: Pinatawad na ang mga kasalanan mo,o Tumayo ka at lumakad? Ngayon, papatunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan."

Kayaʼt sinabi niya sa paralitiko, "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka!" Tumayo nga ang paralitiko at umuwi.

at may lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroroon din ang mga Pariseo na naghahanap ng maipaparatang kay Hesus, kaya tinanong nila si Hesus, "Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga?"

Sinabi ni Hesus sa kanila, "Halimbawa, may tupa kayong nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, pababayaan na lang ba ninyo? Hindi ba ninyo iaahon? Higit pang mahalaga ang tao kaysa sa tupa! Kaya nga ipinapahintulot sa Kautusan ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga."

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, "Iunat mo ang iyong kamay!" Iniunat nga niya ang kanyang kamay at gumaling ito.

Nadatnan nilang nakahiga ang biyenang babae ni Simon dahil nilalagnat ito. Sinabi nila agad ito kay Hesus. Kaya nilapitan ni Hesus ang may sakit, hinawakan ang kamay nito at ibinangon. Biglang nawala ang lagnat niya, at pinagsilbihan niya sina Hesus.

Pinagaling ni Hesus ang Lalaking May Sakit sa Balat

Lumapit kay Hesus ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, "Kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis."

Naawa si Hesus sa kanya, kaya hinawakan niya ito at sinabi, "Gusto ko. Gumaling ka!" Agad na nawala ang kanyang sakit sa balat, at siyaʼy naging malinis.

may mga taong dumating kasama ang isang paralitikong buhat-buhat ng apat na lalaki. Dahil sa dami ng tao, hindi sila makalapit kay Hesus. Kaya binaklas nila ang bahagi ng bubong sa tapat ni Hesus at saka ibinaba ang paralitikong nasa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

Narinig ito ng ilang mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo roon. Sinabi nila sa kanilang sarili, "Bakit siya nagbitaw ng ganyang mga salita? Kalapastanganan ʼyan sa Diyos! Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!"

Alam ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? Alin ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,o Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad? Ngayon, patutunayan ko sa inyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan." At sinabi niya sa paralitiko, "Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!"

Tumayo nga ang paralitiko, agad na binuhat ang kanyang higaan at lumabas habang nakatingin ang lahat. Namangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Sinabi nila, "Ngayon lang kami nakakita ng ganito."

Nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga

Pagdating ng isa pang Araw ng Pamamahinga, muling pumunta si Hesus sa sinagoga, at dooʼy may isang lalaking paralisado ang isang kamay. May mga taong naroon na nagmamatyag kung pagagalingin ni Hesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. Sinabi ni Hesus sa lalaking paralisado ang kamay, "Halika rito sa harapan."

Pagkatapos, tinanong niya ang mga tao roon, "Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: Ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?" Ngunit hindi sila umimik.

Galit na tiningnan ni Hesus ang mga nakapaligid sa kanya, ngunit nalungkot din siya sa katigasan ng kanilang mga puso. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, "Iunat mo ang iyong kamay!" Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.

Pinagaling ni Hesus ang Isang Lalaking May Sakit sa Balat

Minsan, habang nasa isang bayan si Hesus, may isang lalaking may malubhang sakit sa balat na lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at nagmakaawa. Sinabi niya, "Panginoon, kung gugustuhin po ninyo, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis."

Hinawakan siya ni Hesus at sinabi, "Gusto ko. Gumaling ka!" At agad na nawala ang kanyang sakit sa balat.

Noon din ay may mga taong dumating na buhat-buhat ang isang lalaking paralitiko na nasa higaan. Sinikap nilang ipasok ito sa bahay upang mailagay sa harap ni Hesus. Ngunit hindi sila makapasok dahil sa dami ng tao, kaya umakyat sila sa bubong at bumaklas ng bahagi nito. Pagkatapos, ibinaba nila sa harap ni Hesus ang paralitikong nasa kanyang higaan.

Nang makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, "Kaibigan, pinatawad na ang iyong mga kasalanan."

Sinabi ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan sa kanilang sarili: "Sino ba ang taong ito na lumalapastangan sa Diyos? Tanging Diyos lamang ang nakakapagpatawad ng kasalanan!"

Alam ni Hesus ang iniisip nila, kaya tinanong niya ang mga ito, "Bakit ganyan ang iniisip ninyo? Alin ba ang mas madaling sabihin: Pinatawad na ang mga kasalanan mo,o Tumayo ka at lumakad? Ngunit upang malaman ninyo na may kapangyarihan ang Anak ng Tao dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan, papatunayan ko ngayon sa inyo." At sinabi niya sa paralitiko, "Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!" Bumangon nga agad ang paralitiko sa harap ng lahat, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos.

Ang Lalaking Paralisado ang Isang Kamay

Noong isa pang Araw ng Pamamahinga, pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki roon na paralisado ang kanang kamay. Binantayang mabuti ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo si Hesus kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. Ngunit alam niya ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, "Halika, tumayo ka rito sa harapan." Lumapit nga ito at tumayo roon.

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?"

Tiningnan niya silang lahat, at sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito.

Ang Pananampalataya ng Kapitan

Pagkatapos ipangaral ni Hesus sa mga tao ang mga bagay na ito, pumunta siya sa Capernaum. May isang kapitan doon ng hukbong Romano na may katiwalang malubha ang sakit at nag-aagaw-buhay na. Mahal niya ang katiwalang ito. Kaya nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Hesus, nagsugo siya ng ilang pinuno ng mga Hudyo upang pakiusapan si Hesus na puntahan at pagalingin ang kanyang katiwala. Pagdating nila kay Hesus, nakiusap silang mabuti sa kanya, "Karapat-dapat po siyang tulungan ninyo, dahil mahal niya tayong mga Hudyo at ipinagpatayo pa niya tayo ng isang sinagoga." Kaya sumáma sa kanila si Hesus.

Nang malapit na sila sa bahay ng kapitan, nagsugo ito ng ilang kaibigan niya para salubungin si Hesus at sabihin, "Panginoon, huwag na po kayong mag-abala, dahil hindi ako karapat-dapat na puntahan nʼyo sa aking tahanan. At hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Sa halip, iutos nʼyo lamang na gumaling ang aking katiwala at siyaʼy gagaling. Alam ko po ito dahil nasa ilalim ako ng nakakataas na opisyal, at may mga sundalo ring nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, Pumunta ka roon,pumupunta siya. Kapag sinabi ko naman sa isa pa, Halika,lumalapit siya. At kapag sinabi ko sa aking alipin, Gawin mo ito,ginagawa niya."

Nang marinig ito ni Hesus, namangha siya sa kapitan. Humarap siya sa napakaraming taong sumusunod sa kanya at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kahit na sa Israel ay hindi pa ako nakakakita ng ganito kalalim na pananampalataya." Nang makabalik na sa bahay ang mga sinugo ng kapitan, nakita nilang magaling na ang katiwala.

may isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman dahil sa ginawa sa kanya ng masamang espiritu. Baluktot ang katawan niya at hindi siya makatayo nang tuwid. Nang makita siya ni Hesus, tinawag siya at sinabi, "Babae, malaya ka na sa sakit mo." Pagkatapos, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa babae, at noon din ay naituwid ng babae ang kanyang katawan at nagpuri siya sa Diyos.

Pinagaling ni Hesus ang Lalaking Minamanas

Isang Araw ng Pamamahinga, inanyayahan si Hesus na kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo. Binabantayan siyang mabuti ng mga taong kumokontra sa kanya. Doon ay may isang lalaking minamanas. Tinanong ni Hesus ang mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, "Ipinapahintulot ba sa Kautusan ang magpagaling ng maysakit sa Araw ng Pamamahinga o hindi?" Ngunit wala ni isa ang nakasagot, kaya hinawakan ni Hesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi.

Pinagaling ang Sampung Lalaking May Sakit sa Balat

Sa paglalakbay ni Hesus papuntang Jerusalem, dumaan siya sa hangganan ng Galilea at Samaria. Nang papasok na siya sa isang nayon, sinalubong siya ng sampung lalaking may malubhang sakit sa balat. Tumayo lang sila sa malayo at sumigaw kay Hesus, "Panginoong Hesus, maawa po kayo sa amin!"

Nang makita sila ni Hesus, sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa mga pari at magpatingin sa kanila." At habang naglalakad pa lang sila, luminis na ang kanilang balat.

Nang makita ng isa sa kanila na magaling na siya, bumalik siya kay Hesus at nagsisigaw ng papuri sa Diyos. Lumuhod siya sa harap ni Hesus at nagpasalamat sa kanya. Isa siyang Samaritano.

Sinabi ni Hesus, "Hindi baʼt sampu ang pinagaling ko? Nasaan na ang siyam? Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Diyos maliban sa dayuhang ito?" Sinabi niya sa lalaki, "Tumayo ka at umuwi na. Pinagaling ka ng pananampalataya mo."

Ang Pagpapagaling sa Betsata

Pagkaraan nitoʼy pumunta si Hesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Hudyo. Malapit sa isang pintuan ng Jerusalem na tinatawag na Pintuan ng Tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Arameo ay Betsata. Sa paligid nito ay may limang silungan, kung saan nakahiga ang maraming maysakit; mga bulag, pilay, at mga paralitiko. [ Naroon sila dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Diyos na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.] May isang lalaki roon na tatlumpuʼt walong taon nang may sakit. Nakita siya ni Hesus na nakahiga roon at napagtanto niyang matagal na itong may sakit. Kaya tinanong siya ni Hesus, "Gusto mo bang gumaling?"

Sumagot ang may sakit, "Gusto ko po sana, ngunit walang tumutulong sa aking lumusong sa tubig kapag kinakalawkaw na ito. Sa tuwing papunta pa lang ako ay nauunahan na ako ng iba."

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Tumayo ka, buhatin mo ang higaan mo at lumakad!" Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang kanyang higaan at lumakad.

Nangyari ito sa Araw ng Pamamahinga,

At dooʼy bumisita siyang muli sa Cana na sakop ng Galilea, sa bayan kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Sa kalapit na bayang Capernaum ay may isang opisyal ng pamahalaan na mayroong anak na lalaking may sakit. Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya si Hesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa Capernaum at pagalingin ang anak nitong nag-aagaw-buhay.

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Hanggaʼt hindi kayo nakakakita ng mga tanda at kababalaghan, hindi kayo maniniwala sa akin."

Sumagot ang opisyal, "Panginoon, sumáma na po kayo sa akin bago mamatay ang anak ko."

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Puwede ka nang umuwi. Mabubuhay ang iyong anak."

Naniwala ang opisyal sa sinabi ni Hesus at umuwi siya. Sa daan pa lang ay sinalubong na siya ng mga alipin niya at sinabi sa kanya na magaling na ang kanyang anak. Kaya tinanong niya kung anong oras ito gumaling. Sumagot sila, "Ala-una ng hapon po kahapon nang biglang mawala ang lagnat niya."

Naalala ng opisyal na sa oras ding iyon ay sinabi sa kanya ni Hesus, "Mabubuhay ang iyong anak." Kaya siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Hesus.

Ito ang ikalawang himala at tanda na ginawa ni Hesus sa Galilea pagkagaling niya sa Judea.

A mulher com fluxo de sangue

Uma mulher que sofria há doze anos tocou a orla do manto de Jesus e foi curada instantaneamente pela sua fé.

Habang papunta sila, may isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. Lumapit siya sa likuran ni Hesus at hinipo ang laylayan ng damit niya. Sapagkat naisip ng babae, "Mahawakan ko lang ang damit niya ay gagaling na ako."

Lumingon si Hesus at nakita siya. Sabi niya, "Lakasan mo ang iyong loob, anak. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya." At gumaling nga ang babae sa sandaling iyon.

May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo. Maraming hirap na ang dinanas niya sa kamay ng ibaʼt ibang manggagamot. Naubos na rin ang lahat ng ari-arian niya sa pagpapagamot, pero sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang sakit. Nabalitaan niya ang tungkol kay Hesus, kaya nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo man lang ang damit ni Hesus. Naisip kasi niya, "Mahawakan ko lamang ang damit niya ay gagaling na ako." Biglang tumigil ang kanyang pagdurugo nang mahipo niya ang damit ni Hesus, at naramdaman niyang magaling na siya.

May isang babae roon na labindalawang taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino. Nang makalapit siya sa likuran ni Hesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Hesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo.

Nagtanong si Hesus, "Sino ang humawak sa akin?"

Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, "Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo."

Ngunit sinabi ni Hesus, "May humawak sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin."

Nang mapagtanto ng babae na hindi niya maililihim ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Hesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Hesus, at kung paanong gumaling siya kaagad. Sinabi sa kanya ni Hesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa."

Ressurreições

Jesus ressuscitou mortos — a filha de Jairo, o filho da viúva de Naim e Lázaro. Ele é Senhor sobre a morte.

Ang Anak ng Namumuno at ang Babaeng Dinudugo

Habang sinasabi niya ang mga ito, dumating ang isang namumuno sa sinagoga. Lumuhod ito sa kanyang harapan at sinabi, "Kamamatay lang po ng anak kong babae, ngunit kung pupuntahan nʼyo siya at ipapatong ang inyong kamay sa kanya, siyaʼy mabubuhay." Kaya tumayo si Hesus at sumáma sa kanya, pati na rin ang mga alagad niya.

Nang dumating na si Hesus sa bahay ng namumuno sa sinagoga, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta sa libing at ang maraming taong nagkakagulo. Sinabi niya, "Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata kundi natutulog lang." Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya at hinawakan sa kamay ang bata, at bumangon ito.

Isa sa mga namumuno sa sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating doon. Pagkakita niya kay Hesus, lumuhod siya sa paanan ni Hesus at nagsumamo, "Nag-aagaw-buhay po ang anak kong dalagita, kaya kung maaari, sumáma po kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, upang gumaling siya at mabuhay!" Kaya sumáma sa kanya si Hesus.

Sinundan siya ng napakaraming tao na nagsisiksikan sa kanya.

Pagdating nila roon, nakita ni Hesus ang kaguluhan, may mga umiiyak at humahagulgol. Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!" Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito.

Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata. Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, "Talitha koum!" (na ang ibig sabihin ay "Ineng, bumangon ka"). Bumangon naman agad ang bata at naglakad-lakad (siyaʼy labindalawang taóng gulang). Labis ang pagkamangha ng mga nakasaksi sa nangyari.

Sinabi pa ni Hesus, "Sa anong bagay ko maihahambing ang mga tao ngayon? Kanino ko sila maihahalintulad? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa palengke at sinasabi sa kanilang kalaro:

Tinugtugan namin kayo ng masayang tugtugin,

pero hindi kayo sumayaw!

Umawit kami ng awit ng pagluluksa

pero hindi kayo umiyak!

Sapagkat noong dumating si Juan na Tagapagbautismo ay nag-aayuno siya at hindi umiinom ng alak, at ang sabi ninyo, Sinasapian siya ng demonyo.Nang dumating naman ang Anak ng Tao, at nakita ninyo siyang kumakain at umiinom, ang sabi naman ninyo, Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.Ganoon pa man, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa buhay ng mga sumusunod rito."

Binuhusan ng Pabango si Hesus

Inanyayahan si Hesus ng isang Pariseo na kumain sa bahay niya. Pumunta nga si Hesus at umupo para kumain. Sa bayang iyon ay may isang babaeng kilala sa pagiging makasalanan. Nabalitaan niyang kumakain si Hesus sa bahay ng Pariseo, kaya pumunta siya roon at nagdala ng pabangong nasa sisidlang alabastro.

May dumating naman na isang namumuno sa sinagoga, na ang pangalan ay Jairo. Lumuhod ito sa paanan ni Hesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya, dahil ang kaisa-isa niyang anak na babae, na mga labindalawang taóng gulang, ay naghihingalo na.

Habang papunta si Hesus sa bahay ni Jairo, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao.

Habang kausap pa ni Hesus ang babae, dumating ang isang lalaki galing sa bahay ni Jairo na namumuno sa sinagoga. Sinabi niya kay Jairo, "Patay na po ang anak ninyo. Huwag nʼyo nang abalahin ang guro."

Nang marinig iyon ni Hesus, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli."

Pagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at sa mga magulang ng bata. Nag-iiyakan at humagulgol ang mga taong naroroon, kaya sinabi ni Hesus sa kanila, "Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang."

Ngunit pinagtawanan nila si Hesus dahil alam nilang patay na ang bata. Hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, "Ineng, bumangon ka." At noon din ay bumalik ang kanyang espiritu at bumangon siya agad. At iniutos ni Hesus na pakainin ang bata. Labis na namangha ang mga magulang ng bata. Ngunit pinagbilinan sila ni Hesus na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.

Ang Pagkamatay ni Lazaro

Ngayon, may isang lalaking maysakit na nakatira doon sa Betania na sakop ng Judea. Siya si Lazaro na kapatid ng dalawang babaeng nagngangalang Maria at Marta. (Si Maria ang babaeng kalaunaʼy magbubuhos ng pabango sa paa ng Panginoon at pagkatapos ay pupunasan niya ng kanyang buhok.) Nagkasakit si Lazaro, kaya nagpasabi ang magkapatid na Maria at Marta kay Hesus, "Panginoon, may sakit po ang minamahal ninyong kaibigan."

Nang mabalitaan ito ni Hesus, sinabi niya, "Hindi hahantong sa kamatayan ang sakit na ito. Nagkasakit siya upang maparangalan ang Diyos, nang sa gayoʼy maparangalan din ang Anak ng Diyos." Mahal ni Hesus ang magkakapatid na Marta, Maria at Lazaro. Ngunit nang mabalitaan niyang may sakit si Lazaro, nanatili pa siya nang dalawang araw sa kinaroroonan niya. Pagkalipas ng dalawang araw, sinabi niya sa mga alagad niya, "Bumalik na tayo sa Judea."

Sumagot sila, "Rabbi, kamakailan lang ay tinangka kayong batuhin ng mga Hudyo roon. Bakit pa kayo babalik doon?"

Sumagot si Hesus, "Hindi baʼt may labindalawang oras sa maghapon? Kaya ang naglalakad sa araw ay hindi natitisod, dahil maliwanag pa. Ngunit ang naglalakad sa gabi ay natitisod, dahil wala na sa kanya ang liwanag."

Pagkatapos, sinabi pa ni Hesus, "Ang kaibigan nating si Lazaro ay natutulog. Pupunta ako roon upang gisingin siya."

Sinabi ng mga alagad niya, "Panginoon, kung natutulog siya, nangangahulugan ito na gumagaling na siya." Ang akala nilaʼy natutulog lang si Lazaro, pero ang ibig sabihin ni Hesus ay patay na ito.

Kaya tinapat sila ni Hesus, "Patay na si Lazaro.

Domínio sobre a natureza

Jesus acalmou a tempestade, andou sobre as águas e multiplicou pães. A natureza obedece à voz do seu Criador.

Pinatigil ni Hesus ang Bagyo

Pagkatapos, sumakay sa bangka si Hesus, at sumáma ang mga alagad niya. At habang naglalayag sila, biglang dumating ang malakas na bagyo at halos matabunan na ng malalaking alon ang kanilang bangka. Samantala, si Hesus naman ay natutulog. Kaya nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising. Sumigaw sila, "Panginoon, iligtas nʼyo kami! Malulunod na tayo!"

Sumagot si Hesus, "Bakit kayo natatakot? Kay liit ng inyong pananampalataya." Bumangon si Hesus, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at naging payapa ang lahat.

Namangha ang mga alagad niya at sinabi, "Anong klaseng tao ito? Kahit ang hangin at mga alon ay napapasunod niya!"

Nang magdapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, "Liblib ang lugar na ito at gumagabi na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain."

Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila."

Sumagot sila, "Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda."

"Dalhin ninyo ang mga ito sa akin," ang sabi ni Hesus. Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang kaing. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga limang libo, maliban pa sa mga babae at mga bata.

Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig.

Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, "Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayaw kong pauwiin sila nang gutom at mahihilo sila sa daan."

Sumagot ang kanyang mga alagad, "Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?"

Tinanong sila ni Hesus, "Ilan ang tinapay nʼyo diyan?"

Sinabi nila, "Pito po, at ilang maliliit na isda."

Pinaupo ni Hesus ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, hinati-hati niya ang pagkain at ibinigay sa kanyang mga alagad, at ipinamigay naman nila ito sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang mga natirang pagkain at nakapuno sila ng pitong basket. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga apat na libo maliban pa sa mga babae at mga bata.

Pagbabayad ng Buwis para sa Templo

Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis at nagtanong, "Nagbabayad ba ng buwis para sa Templo ang inyong guro?"

Sumagot si Pedro, "Oo, nagbabayad siya."

Nang makabalik si Pedro sa tinutuluyan nila, tinanong siya ni Hesus, "Ano sa palagay mo, Pedro? Kanino nangongolekta ng mga buwis ang mga hari, sa mga anak nila o sa ibang tao?"

Sumagot si Pedro, "Sa ibang tao po."

Sinabi ni Hesus, "Kung ganoon, nangangahulugan na hindi kailangang magbayad ng buwis ang mga anak. Ngunit kung hindi tayo magbabayad, baka sumama ang loob nila sa atin. Kaya pumunta ka sa lawa at mamingwit. Ibuka mo ang bibig ng unang isdang mahuhuli mo at makikita mo roon ang perang sapat na pambayad sa buwis nating dalawa. Kunin mo ito at ibayad sa mga nangongolekta ng buwis para sa Templo."

Ang Natuyong Puno ng Igos

Kinaumagahan, habang pabalik na sina Hesus sa lungsod ng Jerusalem, nagutom siya. May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Ngunit wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, "Hindi ka na mamumunga kailanman!" At agad na natuyo ang puno.

Namangha ang mga alagad ni Hesus nang makita nila iyon. Sinabi nila, "Paanong natuyo kaagad ang puno?"

Sumagot si Hesus, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo at walang pag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos. At hindi lang iyan, maaari rin ninyong sabihin sa bundok na ito, Lumipat ka sa dagat!at lilipat nga ito. Anumang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin ay matatanggap ninyo kung may pananampalataya kayo."

Habang naglalayag sila, biglang bumagyo nang napakalakas. Hinampas ng malalaking alon ang bangka nila at halos mapuno na ito ng tubig. Si Hesus ay nasa hulihan ng bangka at natutulog nang nakaunan. Ginising siya ng mga alagad niya at sinabi sa kanya, "Guro, malulunod na tayo! Balewala lang ba ito sa inyo?"

Kaya bumangon siya at inutusan ang hangin, "Tigil!" at sinabihan ang lawa, "Kumalma ka!" Tumigil nga ang hangin at kumalma ang mga alon.

Tinanong niya ang mga alagad niya, "Bakit kayo natatakot? Wala pa rin ba kayong pananampalataya sa akin?"

Takot na takot silang nag-usap-usap, "Sino ang taong ito? Kahit ang hangin at mga alon ay sumusunod sa kanya!"

Nang dapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, "Liblib ang lugar na ito at gumagabi na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain."

Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Kayo ang magpakain sa kanila."

Sumagot sila, "Ibig po ba ninyong sabihin ay gagastos kami ng higit kalahating taóng sahod sa tinapay para may makain sila?"

Tinanong sila ni Hesus, "Ilan ba ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo."

Tiningnan nga nila, at sinabi kay Hesus, "Mayroon po tayong limang tinapay at dalawang isda."

Pagkatapos, inutusan sila ni Hesus na paupuin nang pangkat-pangkat ang mga tao sa damuhan. Kaya umupo nga sila nang pangkatan, may tig-iisang daan at may tiglilimampu. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamahagi sa mga tao. Pinagpira-piraso niya rin ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang natirang tinapay at isda ay nakapuno sila ng labindalawang kaing. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay limang libo.

Nakita niyang hirap sa pagsagwan ang mga alagad niya, dahil salungat sila sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan na lang sana niya sila, ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila. Takot na takot silang lahat sa nakita nila.

Ngunit nagsalita agad si Hesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob." Sumakay siya sa bangka at biglang tumigil ang malakas na hangin. Lubos silang namangha,

Pinakain ni Hesus ang Apat na Libo

Sa mga araw na iyon, muling nagtipon ang napakaraming tao sa kinaroroonan ni Hesus. At dahil wala na silang makain, tinawag ni Hesus ang mga alagad niya at sinabi, "Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Kung pauuwiin ko sila nang gutom, baka himatayin sila sa daan dahil malayo pa ang pinanggalingan ng iba sa kanila."

Sumagot ang mga alagad niya, "Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?"

Tinanong sila ni Hesus, "Ilan ang tinapay ninyo riyan?"

Sinabi nila, "Pito po."

Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. At ginawa nga nila ito. Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Nagpasalamat si Hesus para sa mga iyon at iniutos niya sa kanyang mga alagad na ipamigay din sa mga tao. Kumain sila at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng pitong kaing. Ang bilang ng mga taong kumain ay mga apat na libo. Matapos pauwiin ni Hesus ang mga tao,

Ang Sinabi ni Hesus sa Puno ng Igos

Kinabukasan, nang pabalik na sila sa Jerusalem mula sa Betania, nagutom si Hesus. May nakita siyang isang madahong puno ng igos sa di-kalayuan. Kaya nilapitan niya ito at tiningnan kung may bunga. Ngunit wala siyang nakita kundi mga dahon lang, dahil hindi pa panahon ng pamumunga ng mga igos noon. Sinabi ni Hesus sa puno, "Mula ngayon, wala nang makakakain ng bunga mo." At narinig iyon ng mga alagad niya.

Kinaumagahan, nang pabalik na silang muli sa Jerusalem, nadaanan nila ang puno ng igos at nakita nilang tuyong-tuyo na ito hanggang sa ugat. Naalala ni Pedro ang nangyari. Kaya sinabi niya, "Rabbi, tingnan nʼyo po ang puno ng igos na isinumpa ninyo. Natuyo na!"

Sinabi ni Hesus sa kanila, "Sumampalataya kayo sa Diyos! Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, Lumipat ka sa dagat!At kung hindi kayo nag-aalinlangan, at sa halip ay nananampalataya na mangyayari iyon, mangyayari nga ang sinabi ninyo. Kaya tandaan ninyo: Anuman ang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo. At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo upang ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. [

Ang mga Unang Alagad ni Hesus

Isang araw, nakatayo si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Galilea, at nagsisiksikan sa kanya ang napakaraming tao upang makinig ng salita ng Diyos. May nakita siyang dalawang bangka sa baybayin. Nakababa na sa bangka ang mga mangingisda at naghuhugas na ng mga lambat nila. Sumakay siya sa bangkang pag-aari ni Simon at nakiusap dito na itulak iyon nang kaunti sa tubig. Naupo si Hesus sa bangka at nagturo sa mga tao.

Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay Simon, "Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat ninyo."

Sumagot si Simon, "Guro, magdamag po kaming nangisda pero wala kaming nahuli. Ngunit dahil sinabi ninyo, ihuhulog ko ulit ang mga lambat."

Nang magawa na nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda hanggang sa halos masira na ang kanilang mga lambat. Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasama na nasa isa pang bangka para magpatulong. Tinulungan sila ng mga ito at napuno nila ng isda ang dalawang bangka, hanggang sa halos lumubog na sila.

Nang makita iyon ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at sinabi, "Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, dahil makasalanan ako." Namangha siyaʼt natakot, pati ang mga kasamahan niya dahil sa dami ng nahuli nila, gayundin sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na mga kasosyo ni Simon.

"Huwag kang matakot," sabi ni Hesus kay Simon. "Mula ngayon, hindi na isda ang huhulihin mo kundi mga tao na." Nang maidaong na nila ang kanilang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus.

Pinatigil ni Hesus ang Bagyo

Isang araw, sumakay ng bangka si Hesus kasama ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, "Tumawid tayo sa kabila ng lawa." At ganoon nga ang ginawa nila. Habang naglalayag sila, nakatulog si Hesus. Maya-mayaʼy dumating ang mabagsik na unos at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib.

Nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising, "Guro! Guro! Mamamatay na tayo!"

Bumangon si Hesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. Pagkatapos, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, "Nasaan ang pananampalataya ninyo?"

Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, "Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!"

Pinatigil ni Hesus ang Bagyo

Isang araw, sumakay ng bangka si Hesus kasama ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, "Tumawid tayo sa kabila ng lawa." At ganoon nga ang ginawa nila. Habang naglalayag sila, nakatulog si Hesus. Maya-mayaʼy dumating ang mabagsik na unos at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib.

Nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising, "Guro! Guro! Mamamatay na tayo!"

Bumangon si Hesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. Pagkatapos, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, "Nasaan ang pananampalataya ninyo?"

Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, "Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!"

Nagpagaling si Hesus ng Taong Sinaniban

Nagpatuloy sila sa paglalayag hanggang sa makarating sa lupain ng mga Geraseno na katapat ng Galilea.

Nang magdapit-hapon na, lumapit sa kanya ang labindalawang alagad at sinabi, "Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa kanayunan at kabukiran na malapit para humanap ng matutuluyan at makakain, dahil nasa ilang na lugar po tayo."

Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Kayo ang magpakain sa kanila."

Sumagot sila, "Limang tinapay at dalawang isda lang po ang mayroon tayo. Hindi ito kakasya, maliban na lang kung bibili kami ng pagkain para sa kanila." (May limang libong lalaki ang naroon.)

Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Paupuin ninyo sila nang grupo-grupo na tig-limampu bawat grupo." At pinaupo nga nila ang lahat. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang basket.

Ang Kasalan sa Cana

Pagkalipas ng dalawang araw, may ginanap na kasalan sa bayan ng Cana na sakop ng Galilea. Naroon ang ina ni Hesus, at naimbitahan din sina Hesus at ang mga alagad niya. Nang maubos na ang alak sa handaan, sinabihan si Hesus ng kanyang ina, "Ubos na ang alak."

Sumagot si Hesus, "Ginang, wala itong kinalaman sa akin at sa iyo. Hindi pa po dumarating ang panahon ko."

Sinabi ng ina ni Hesus sa mga katulong, "Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo."

May anim na tapayan doon na ginagamit ng mga Hudyo sa ritwal nilang paghuhugas. Ang bawat tapayan ay maaaring maglaman ng 75 hanggang 115 litrong tubig.

Sinabi ni Hesus sa mga katulong, "Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan." At pinuno nga nila ang mga ito.

Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Sumalok kayo nang kaunti at dalhin sa namamahala ng handaan."

At dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan. Tinikman niya ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling (bagamaʼt alam ito ng mga katulong na sumalok ng tubig). Kaya ipinatawag niya ang lalaking ikinasal at sinabi, "Kadalasan, ang pinakamasarap na alak muna ang inihahain, at kapag marami nang nainom ang mga panauhin, saka naman inilalabas ang mababang uri. Ngunit ikaw, ngayon mo lang inilabas ang masarap na alak."

Ang nangyaring ito sa Cana ng Galilea ang unang himala na ginawa ni Hesus kung saan ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at sumampalataya sa kanya ang mga alagad niya.

Tinanong niya ito para subukin si Felipe, sapagkat alam na niya ang kanyang gagawin.

Sumagot si Felipe, "Kahit ang sahod sa higit kalahating taon ay ʼdi kakasya para pakainin silang lahat."

Sinabi naman ng isa sa mga alagad niyang si Andres na kapatid ni Pedro, "May isang bata rito na may limang tinapay at dalawang isda. Ngunit ano naman ang silbi nito sa ganyan karaming tao?"

Sinabi ni Hesus, "Paupuin ninyo ang mga tao." Malago ang damo sa lugar na iyon at umupo naman ang mga tao. (Ang bilang ng mga lalaki lang ay mga limang libo.) Kinuha ni Hesus ang tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, ipinamahagi ito sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda, at nabusog ang lahat.

Pagkakain nila, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Tipunin nʼyo ang lahat ng natira para walang masayang." Tinipon nga nila ang natira mula sa limang tinapay na ipinakain sa mga tao at nakapuno sila ng labindalawang kaing.

Nang makasagwan na sila nang mga lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig papalapit sa kanila, at natakot sila. Ngunit sinabi sa kanila ni Hesus, "Ako ito! Huwag kayong matakot." Malugod nilang pinasakay si Hesus sa bangka, at nakarating agad sila sa kanilang pupuntahan.

Nagpakita si Hesus sa Kanyang Pitong Alagad

Pagkalipas ng ilang araw, muling nagpakita si Hesus sa mga alagad niya sa may lawa ng Tiberias. Ganito ang nangyari: Magkakasama noon sina Simon Pedro, Tomas (na tinatawag ding Kambal), Natanael na taga-Cana na bayan sa Galilea, mga anak ni Zebedeo, at dalawa pang mga alagad. Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, "Mangingisda ako." Sumagot sila, "Sasáma kami." Kaya sumakay sila sa bangka at pumalaot. Ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon.

Nang madaling-araw na, may nakita silang nakatayo sa dalampasigan, ngunit hindi nila nakilala na si Hesus iyon.

Tinawag sila ni Hesus, "Mga kaibigan, may huli ba kayo?"

Sumagot sila, "Wala po."

Sinabi ni Hesus sa kanila, "Ihulog nʼyo ang lambat sa gawing kanan ng bangka at makakahuli kayo." Iyon nga ang ginawa nila, at nang hilain nila iyoʼy hindi nila maitaas ang lambat sa dami ng nahuli nilang isda.

Sinabi kay Pedro ng alagad na malapit sa puso ni Hesus, "Ang Panginoon iyon!" Nang marinig ito ni Pedro, isinuot niya ang panlabas na kasuotan (dahil hinubad niya ito bago nanghuli ng isda), at tumalon sa tubig. Ang ibang mga alagad na nasa bangka ay bumalik din sa dalampasigan na hila-hila ang lambat na puno ng isda, dahil mga 90 metro lang ang layo nila sa pampang. Pagdating nila sa dalampasigan, nakita nila roon ang nagbabagang uling na may nakasalang na isda, at ilang tinapay.

Sinabi ni Hesus sa kanila, "Magdala kayo rito ng ilang isda na nahuli ninyo." Kaya sumampa sa bangka si Pedro at hinila papunta sa pampang ang lambat na puno ng malalaking isda na 153 lahat-lahat. Ngunit kahit ganoon karami ang isda, hindi nasira ang lambat.

Libertações

Jesus expulsou demônios com autoridade. Os espíritos impuros não resistiam à sua palavra e saíam imediatamente.

Ang Pananampalataya ng Kapitan

Pagdating ni Hesus sa bayan ng Capernaum, lumapit sa kanya ang isang kapitan ng hukbong Romano at nakiusap, "Panginoon, may sakit po ang aking katiwala. Nakaratay siya sa aking bahay, paralisado at matindi ang paghihirap niya."

Sinabi ni Hesus, "Pupuntahan ko siya at pagagalingin."

Ngunit sumagot ang kapitan, "Panginoon, hindi po ako karapat-dapat na puntahan nʼyo sa aking tahanan. Iutos nʼyo lamang na gumaling ang aking katiwala at siyaʼy gagaling. Alam ko po ito dahil nasa ilalim ako ng nakatataas na opisyal, at may mga sundalo ring nasa ilalim ko. Kapag sinabi ko sa isa, Pumunta ka roon,pumupunta siya. Kapag sinabi ko naman sa isa pa, Halika,lumalapit siya. At kapag sinabi ko sa aking alipin, Gawin mo ito,ginagawa niya."

Namangha si Hesus nang marinig niya ito. Sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi pa ako nakakakita ng kahit isang tao sa Israel na may ganito kalalim na pananampalataya. Sinasabi ko rin sa inyo, marami ang darating mula sa lahat ng dako ng mundo na kakain sa handaan kasama nina Abraham, Isaac, at Jacob sa kaharian ng Langit. Ngunit maraming Hudyong dapat sanaʼy kasama sa kaharian ang itatapon sa labas, doon sa kadiliman kung saan silaʼy tatangis at magngangalit ang kanilang ngipin."

At sinabi ni Hesus sa kapitan, "Umuwi ka na. Mangyayari ang iyong hinihiling ayon sa iyong pananampalataya." At nang oras ding iyon ay gumaling ang kanyang katiwala.

Pinagaling ni Hesus ang mga Sinapian ng Demonyo

Pagdating ni Hesus sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng demonyo na galing sa mga kuwebang libingan. Napakabangis nila, kaya walang makadaan doon. Sumigaw sila, "Ano ang pakay mo sa amin, ikaw na Anak ng Diyos? Pumunta ka ba rito para pahirapan kami kahit hindi pa takdang panahon?"

Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng baboy na kumakain. Nagmakaawa ang mga demonyo sa kanya, "Kung palalayasin mo kami, papuntahin mo na lang kami sa mga baboy na iyon."

Sinabi niya, "Sige, lumayas na kayo!" Kaya lumabas sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang buong kawan ng baboy pababa ng burol, nahulog sa lawa at nalunod. Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon ang buong pangyayari, pati na ang nangyari sa dalawang lalaking sinapian ng demonyo. Kaya lumabas ang mga tao sa bayang iyon para puntahan si Hesus, at nang makita nila siya, nakiusap sila na lisanin niya ang lupain nila.

Habang paalis na sila, may dinala kay Hesus na isang lalaking hindi makapagsalita dahil sinasapian ng demonyo. Pinalayas ni Hesus ang demonyo, at nakapagsalita ang pipi. Namangha ang mga tao at sinabi, "Wala pang nangyaring ganito sa Israel."

Ang Paratang Laban kay Hesus

May dinala ang mga tao kay Hesus na isang lalaking bulag at pipi na sinasapian ng demonyo. Pinagaling siya ni Hesus kaya siyaʼy nakakakita at nakapagsasalita na.

Ang Pananampalataya ng Babaeng Hentil

Umalis si Hesus mula roon at pumunta sa mga lugar na malapit sa Tiro at Sidon. May isang babaeng Cananeo na naninirahan doon. Lumapit siya kay Hesus at nagmakaawa. Sinabi niya, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa akin! Sinasapian po ng demonyo ang anak kong babae at labis siyang pinahihirapan nito."

Ngunit hindi sumagot si Hesus. Kaya lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad at sinabi, "Paalisin nʼyo na po ang babaeng iyan, dahil sunod siya nang sunod sa atin at nag-iingay."

Sinabi ni Hesus sa babae, "Sinugo ako para lang sa mga Israelita na parang mga tupang naliligaw."

Ngunit lumapit pa ang babae kay Hesus at lumuhod sa harap niya, at sinabi, "Panginoon, tulungan nʼyo po ako!"

Sinagot siya ni Hesus, "Hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso."

Sumagot naman ang babae, "Tama po kayo, Panginoon, ngunit kahit ang mga aso ay kumakain ng mga tirang nahuhulog mula sa mesa ng kanilang amo."

At sinabi sa kanya ni Hesus, "Napakalaki ng iyong pananampalataya! Matutupad ang hinihiling mo." At sa sandaling iyon ay gumaling ang anak ng babae.

Pinagaling ni Hesus ang Batang Sinasapian ng Demonyo

Pagbalik nina Hesus sa kinaroroonan ng maraming tao, lumapit sa kanya ang isang lalaki, lumuhod ito sa kanyang harapan at sinabi, "Panginoon, maawa po kayo sa aking anak. May epilepsiya po siya at labis ang paghihirap niya kapag sinusumpong. Madalas siyang matumba sa apoy at madalas din siyang mahulog sa tubig. Dinala ko siya sa mga alagad nʼyo, ngunit hindi po nila mapagaling."

Sumagot si Hesus, "Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya at baluktot ang pag-iisip! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ba ako magtitiis sa inyo? Dalhin nʼyo rito ang bata!" Sinaway ni Hesus ang masamáng espiritu at lumabas ito sa bata. At gumaling ang bata noon din.

May isang tao roon na sinasaniban ng masamáng espiritu ang biglang nagsisigaw: "Ano ang pakay mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba para puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na Sugo ng Diyos!"

Ngunit sinaway ni Hesus ang masamang espiritu, "Tumahimik ka at lumabas sa kanya!" Pinangisay ng masamáng espiritu ang tao, at sumigaw ito habang lumalabas.

Pinagaling ni Hesus ang Sinapian ng Demonyo

Dumating sila sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Geraseno. Pagbaba ni Hesus sa bangka, may isang lalaking lumabas mula sa mga kuwebang libingan para salubungin siya. Ang lalaking itoʼy sinasaniban ng masamáng espiritu, at doon na siya nakatira sa mga libingan. Hindi siya maigapos ng matagal kahit kadena pa ang gamitin nila. Ilang beses nang ikinadena ang mga kamay at paa niya, ngunit nilalagot lang niya ang mga ito. Walang nakakapigil sa kanya. Araw at gabi siyang sumisigaw sa libingan at kaburulan, at sinusugatan niya ng bato ang kanyang sarili.

Malayo pa lang ay natanaw na niya si Hesus kaya patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito. Sumigaw siya nang malakas, "Ano ang pakay mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan!" Sinabi niya ito sapagkat iniutos ni Hesus, "Ikaw na masamáng espiritu, lumabas ka sa taong iyan!"

Tinanong siya ni Hesus, "Ano ang pangalan mo?"

Sumagot siya, "Hukbo ang pangalan ko, kasi marami kami." At paulit-ulit itong nagmakaawa kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.

Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain sa gilid ng burol. Nagmakaawa kay Hesus ang mga demonyo, "Papuntahin mo na lang kami sa mga baboy; hayaan mo kaming pumasok sa kanila." Kaya pinayagan sila ni Hesus. Lumabas nga ang masasamáng espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ng baboy na may dalawang libo ay nagtakbuhan pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.

Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng mga baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon at sa mga kalapit-nayon ang nangyari. Kaya nagdatingan ang mga tao upang alamin ang tunay na nangyari.

Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa mga magulang niya na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay Korban (ang ibig sabihin, nakalaan na sa Diyos), hindi na siya obligadong tumulong pa sa kanila. Pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga kaugaliang ginawa nʼyo at ipinamana sa iba. At marami pa kayong ginagawang tulad nito."

Muling tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayong lahat sa akin at unawain ang sasabihin ko. Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya, kundi ang mga lumalabas dito. [

Ang Pananampalataya ng Isang Babaeng Hentil

Umalis si Hesus doon at nagtungo sa isang lugar malapit sa Tiro [at Sidon]. Tumuloy siya sa isang bahay dahil ayaw niyang malaman ng mga tao na naroon siya, ngunit nalaman pa rin nila. Sa katunayan, nang marinig ito ng isang ina na may anak na babaeng sinasaniban ng masamáng espiritu, agad siyang pumunta at nagpatirapa sa paanan ni Hesus. Siya ay isang Hentil na taga-Sirofenicia. Nagmakaawa siyang palayasin ni Hesus ang demonyo sa kanyang anak.

Ngunit sumagot si Hesus, at sinabi, "Dapat munang pakainin ang mga anak, dahil hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso."

Sumagot ang babae, "Tama po kayo, Panginoon, ngunit maging ang mga aso sa ilalim ng mesa ay kumakain ng mga mumo na nahuhulog ng mga bata."

Kaya sinabi ni Hesus sa kanya, "Dahil sa sinabi mong iyan, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak."

Umuwi nga ang babae at nadatnan ang anak niya sa higaan, at wala na ang sumaping demonyo.

May isang lalaki roon na sumagot, "Guro, dinala ko po rito sa inyo ang anak kong lalaki na sinasaniban ng masamang espiritu kaya hindi siya makapagsalita. Kapag sinasaniban siya ng masamang espiritu, itinutumba siya nito; bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang mga ngipin, at pagkatapos ay naninigas ang katawan. Nakiusap ako sa mga alagad nʼyo na palayasin ang masamang espiritu, ngunit hindi po nila magawa."

Sinabi ni Hesus sa kanila, "Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan pa ako magtitiis sa inyo? Dalhin nʼyo rito ang bata!"

Kaya dinala nila ang bata kay Hesus. Nang makita ng masamang espiritu si Hesus, pinangisay niya ang bata, itinumba, at pinagulong-gulong sa lupa na bumubula ang bibig.

Tinanong ni Hesus ang ama ng bata, "Kailan pa siya nagkaganyan?"

Sumagot ang ama, "Mula pa po sa pagkabata. Madalas siyang itinutumba ng masamang espiritu sa apoy o sa tubig para patayin. Kaya maawa po kayo sa amin; kung may magagawa kayo, tulungan nʼyo po kami!"

Sinagot siya ni Hesus, "Bakit mo sinabing kung may magagawa ako? Ang lahat ng bagay ay posible sa taong may pananampalataya sa Diyos!"

Sumagot agad ang ama ng bata, "Sumasampalataya po ako, pero kulang pa. Tulungan nʼyo po akong lalo pang sumampalataya sa inyo!"

Nang makita ni Hesus na dumarami ang taong paparating sa kanya, sinaway niya ang masamáng espiritu, at sinabi, "Ikaw na espiritung nagpapapipi at nagpapabingi sa batang ito, inuutusan kitang lumabas sa kanya! At huwag ka nang papasok muli sa kanya!"

Sumigaw ang masamang espiritu, pinangisay ang bata, at saka lumabas. Naging parang patay ang bata, kaya sinabi ng karamihan, "Patay na siya!" Ngunit hinawakan ni Hesus ang kamay ng bata at ibinangon, at tumayo ang bata.

Maraming Pinagaling si Hesus

Umalis si Hesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyenang babae ni Simon, kaya nakiusap sila kay Hesus na pagalingin siya. Tumayo si Hesus sa tabi ng maysakit at inutusan ang lagnat na umalis, at nawala ito. Kaagad na bumangon ang babae at pinagsilbihan sina Hesus.

Pagkababa ni Hesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking tagaroon na sinasapian ng mga demonyo. Matagal na itong walang suot na damit at ayaw niya tumira sa bahay kundi sa mga kuwebang libingan. Nang makita niya si Hesus, sumigaw siya at lumuhod sa harapan ni Hesus. At sinabi niya nang malakas, "Ano ang pakialam mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!" Sinabi niya ito dahil inutusan ni Hesus na lumabas ang masamang espiritu sa kanya. Maraming beses na siyang sinasaniban, at kahit tinatalian siya ng kadena sa kamay at paa at binabantayan, nilalagot lang niya ito, at dinadala siya ng demonyo sa ilang.

Tinanong siya ni Hesus, "Ano ang pangalan mo?"

Sagot niya, "Hukbo," dahil maraming demonyo ang pumasok sa kanya. Nagmakaawa sila kay Hesus na huwag silang papuntahin sa kailalimang walang hanggan.

Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang mga demonyo kay Hesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila. Kaya lumabas sila sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang mga baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.

Nang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari. Kaya pumunta roon ang mga tao para tingnan iyon. Pagdating nila kay Hesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng mga demonyo na nakaupo sa paanan ni Hesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. At natakot ang mga tao.

"Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang kaharian ng Diyos."

Ang Pagbabagong-anyo ni Hesus

Mga walong araw matapos sabihin ni Hesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin. Habang nananalangin si Hesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan. Biglang nagpakita ang dalawang lalaki, sina Moises at Elias, at nakipag-usap sa kanya. Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem.

Tulog na tulog noon sina Pedro, pero nang magising sila, nakita nila ang nagliliwanag na anyo ni Hesus at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya. Nang paalis na ang dalawang lalaki, sinabi ni Pedro kay Hesus, "Guro, mabuti poʼt narito kami. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias." (Ang totoo, hindi niya alam ang sinasabi niya.)

May isang lalaki roon na sumisigaw, "Guro, pakitingnan po ninyo ang kaisa-isa kong anak na lalaki! Sinasaniban po siya ng masamang espiritu at bigla na lang siyang nagsisisigaw, nangingisay at bumubula ang bibig. Sinasaktan siya palagi ng masamang espiritu at halos ayaw siyang iwan. Nakiusap ako sa mga alagad ninyo na palayasin nila ang masamang espiritu, pero hindi po nila kaya."

Sumagot si Hesus, "Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya at baluktot ang pag-iisip! Hanggang kailan ba ako magtitiis sa inyo? Dalhin mo rito ang anak mo."

Nang papalapit na ang bata, itinumba siya at pinangisay ng demonyo. Ngunit pinalayas ni Hesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata, at ibinalik sa ama nito. Namangha ang lahat sa kapangyarihan ng Diyos.

Ipinahayag muli ni Hesus ang Kanyang Kamatayan

Habang mangha pa ang lahat sa mga ginawa ni Hesus, sinabi niya sa mga alagad niya,

Ang Paratang Laban kay Hesus

Minsan, nagpalayas si Hesus ng isang demonyo na naging sanhi ng pagkapipi ng lalaking sinaniban nito. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsalita na ang lalaki, at namangha ang mga tao.

At tinaga ng isa sa kanila ang alipin ng punong pari, at naputol ang kanang tainga nito.

Ngunit sinaway sila ni Hesus, "Tama na iyan!" Hinipo niya ang tainga ng alipin at pinagaling ito.

Nang makaalis na ang mga taong inutusan ni Juan, nagtanong si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan, "Noong pumunta kayo kay Juan sa ilang, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang taong tulad ng tambo na hinihipan ng hangin? Kung hindi, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang taong nakasuot ng magarang damit? Ang mga taong nakasuot ng magagarang damit at namumuhay nang marangya ay matatagpuan sa palasyo. Kung ganoon, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang propeta? Totoo, isa nga siyang propeta. At sinasabi ko sa inyo, higit pa siya sa isang propeta. Siya ang tinutukoy sa Kasulatan:

Ipapadala ko ang aking mensahero.

Mauuna siya sa iyo

upang ihanda ang dadaanan mo.

Sinasabi ko sa inyo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan. Ngunit ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Diyos ay mas dakila pa sa kanya."

Nang marinig ng mga tao, pati ng mga maniningil ng buwis, ang pangangaral ni Hesus, sumang-ayon sila na matuwid ang layunin ng Diyos, dahil nagpabautismo sila kay Juan. Ngunit ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan ay tumanggi sa layunin ng Diyos para sa buhay nila, dahil hindi sila nagpabautismo kay Juan.

Seja o primeiro