Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 7

Ang mga Nakapagpaparumi sa Tao

Mateo 15:1-9

1 Isang araw, may mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na dumating mula sa  at nagtipon sa paligid ni Hesus. 2 Nakita nila na ang ilan sa mga alagad ni Hesus ay kumakain nang marumi ang mga kamay dahil hindi sila naghugas sa tamang paraan bago kumain. 3 (Ang mga Hudyo, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hanggaʼt hindi nakakapaghugas ng kamay alinsunod sa kaugalian ng kanilang mga ninuno. 4 Hindi rin sila kumakain pagkagaling nila sa palengke hanggaʼt hindi nila nagagawa ang seremonya ng paghuhugas.7:4 seremonya ng paghuhugas: Hinuhugasan ang bagay na nabili o naghuhugas ng kamay ang taong bumili. Marami pa silang mga kaugalian tulad ng paghuhugas ng mga kopa, pitsel at lutuang tanso.7:4 Sa ilang manuskrito, may dagdag na mga higaan.)

5 Kaya tinanong siya ng mga Pariseo at ng mga tagapagturo ng Kautusan, "Bakit hindi namumuhay ayon sa kaugalian ng ating mga ninuno ang iyong mga alagad? Sa halip, kumakain silang marumi ang mga kamay."

6 Sinagot sila ni Hesus, "Mga pakitang-tao! Tama nga ang sinabi ni Propeta tungkol sa inyo nang sinulat niya:

‘Sa labi lamang ako iginagalang ng mga taong ito,

sapagkaʼt malayo sa akin ang kanilang mga puso.

7 Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan;

pawang tuntunin ng tao ang kanilang katuruan.’7:7 Isa. 29:13.

8 Ang mga utos ng Diyos ay inyong tinalikuran, at ang mga kaugalian ng tao ang inyong sinundan."

9 Sinabi pa niya, "Ang huhusay ninyong magpawalang-bisa ng mga utos ng Diyos para masunod ang sarili ninyong kaugalian. 10 Katulad na lang ng sinabi ni , ‘Igalang ninyo ang inyong mga magulang,’7:10 Exo. 20:12; Deu. 5:16. at ‘Ang lumalapastangan sa kanyang mga magulang ay dapat patayin.’7:10 Exo. 21:17; Lev. 20:9. 11 Ngunit itinuturo naman ninyo na kapag sinabi ng isang anak sa mga magulang niya na ang tulong na ibibigay niya sana sa kanila ay Korban (ang ibig sabihin, nakalaan na sa Diyos), 12 hindi na siya obligadong tumulong pa sa kanila. 13 Pinapawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga kaugaliang ginawa nʼyo at ipinamana sa iba. At marami pa kayong ginagawang tulad nito."

14 Muling tinawag ni Hesus ang mga tao at sinabi sa kanila, "Makinig kayong lahat sa akin at unawain ang sasabihin ko. 15 Hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya, kundi ang mga lumalabas dito. [ 16 Makinig ang sinumang may pandinig!]7:16 Wala ang talatang ito sa ilang manuskrito."

17 Pagkatapos, pumasok si Hesus at ang kanyang mga alagad sa isang bahay upang makaiwas sa mga tao. Tinanong siya ng mga alagad niya kung ano ang ibig sabihin ng talinghagang iyon. 18 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Hindi rin ba kayo nakakaintindi? Hindi ba ninyo alam na hindi ang pumapasok sa bibig ng tao ang nagpaparumi sa kanya? 19 Sapagkat anuman ang kainin niya ay hindi naman sa puso pumupunta kundi sa kanyang tiyan, at idudumi niya rin iyon." (Sa sinabi niyang ito, ipinahayag niya na ang lahat ng pagkain ay maaaring kainin.)

20 Sinabi pa ni Hesus, "Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya. 21 Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanyang gumawa ng seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, 22 pangangalunya, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira sa kapwa, pagmamayabang, at kahangalan. 23 Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at nagpaparumi sa kanya."

Ang Pananampalataya ng Isang Babaeng Hentil

Mateo 15:21-28

24 Umalis si Hesus doon at nagtungo sa isang lugar malapit sa [at ]7:24 at Sidon: Wala ito sa ilang mga manuskrito.. Tumuloy siya sa isang bahay dahil ayaw niyang malaman ng mga tao na naroon siya, ngunit nalaman pa rin nila. 25 Sa katunayan, nang marinig ito ng isang ina na may anak na babaeng sinasaniban ng masamáng espiritu, agad siyang pumunta at nagpatirapa sa paanan ni Hesus. 26 Siya ay isang Hentil na taga-Sirofenicia. Nagmakaawa siyang palayasin ni Hesus ang demonyo sa kanyang anak.

27 Ngunit sumagot si Hesus, at sinabi, "Dapat munang pakainin ang mga anak, dahil hindi tamang kunin ang pagkain ng mga anak at ihagis sa mga aso."

28 Sumagot ang babae, "Tama po kayo, Panginoon, ngunit maging ang mga aso sa ilalim ng mesa ay kumakain ng mga mumo na nahuhulog ng mga bata."

29 Kaya sinabi ni Hesus sa kanya, "Dahil sa sinabi mong iyan, maaari ka nang umuwi. Iniwan na ng demonyo ang iyong anak."

30 Umuwi nga ang babae at nadatnan ang anak niya sa higaan, at wala na ang sumaping demonyo.

Pinagaling ni Hesus ang Lalaking Pipi at Bingi

31 Umalis si Hesus sa lupain ng , at dumaan sa . Nagtuloy siya sa lawa ng Galilea, at tinahak niya ang lupain ng . 32 Dinala ng mga tao kay Hesus ang isang lalaking pipi at bingi. Nakiusap sila na ipatong niya ang kanyang mga kamay sa lalaki upang gumaling ito.

33 Inilayo muna ni Hesus ang lalaki sa mga tao. Nang sila na lang, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos ay dumura siya at hinipo ang dila ng lalaki. 34 Tumingala si Hesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, "Effata!" (na ang ibig sabihin ay "Mabuksan ka!") 35 Agad na nakarinig ang lalaki at nakapagsalita nang maayos.

36 Binilinan naman ni Hesus ang mga tao na huwag ipamalita ang nangyari. Ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. 37 Labis na namangha ang mga tao, at sinabi nila, "Napakahusay ng lahat ng ginawa niya! Kahit ang mga pipi ay nakakapagsalita at ang mga bingi ay nakakarinig."

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Pessoa
H3470
Isaías
ΗσαιανĒsaianיְשַׁעְיָהוּyəsəhyahu
Isaías, filho de Amoz, foi o profeta que teve uma visão sobre Judá e Jerusalém nos reinados de Uzias, Jotão, Acaz e Ezequias. Enviou ao rei Ezequias a resposta do Senhor à oração sobre Senaqueribe, rei da Assíria (2 Reis 19:20).
Significado: “A salvação do Senhor”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
ΜωϋσῆςMōüsē͂sמֹשֶׁ֔הmosheh
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Tiro
Hoje: Tiro (Sur), Líbano
ΤύροςTurosצֹרtsor
Tiro é uma cidade fortificada, cercada pelo mar, cujo rei Hirão forneceu cedro e ouro a Salomão. Foi anunciado fogo nos seus muros, e Jesus foi à região de Tiro e Sidom (1 Reis 9:11).
33,27° N, 35,20° L
Citado em 64 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Sidom
Hoje: Sidom (Saida), Líbano
ΣιδώνSidōnצִידוֹןtsidon
Sidom é a cidade de onde partiam as fronteiras de Canaã; Jesus disse que Tiro e Sidom teriam se arrependido se nelas tivessem ocorrido os milagres feitos em Corazim e Betsaida (Mateus 11:21).
33,56° N, 35,37° L
Citado em 37 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Tiro
Hoje: Tiro (Sur), Líbano
ΤύροςTurosצֹרtsor
Tiro é uma cidade fortificada, cercada pelo mar, cujo rei Hirão forneceu cedro e ouro a Salomão. Foi anunciado fogo nos seus muros, e Jesus foi à região de Tiro e Sidom (1 Reis 9:11).
33,27° N, 35,20° L
Citado em 64 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Sidom
Hoje: Sidom (Saida), Líbano
ΣιδώνSidōnצִידוֹןtsidon
Sidom é a cidade de onde partiam as fronteiras de Canaã; Jesus disse que Tiro e Sidom teriam se arrependido se nelas tivessem ocorrido os milagres feitos em Corazim e Betsaida (Mateus 11:21).
33,56° N, 35,37° L
Citado em 37 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Decápolis
Hoje: Decápolis (Jordânia e Israel)
ΔεκάπολιςDekapolis
Decápolis é a região onde um homem anunciou o que Jesus fizera por ele, e que Jesus atravessou ao ir dos arredores de Tiro e Sidom para o mar da Galileia (Marcos 5:20).
32,72° N, 35,80° L
Citado em 3 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.