Ang asawa ni Oseas at ang mga anak sa ligaw.
1 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, Is. 1:1;Amos 1:1;Mik. 1:1.nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni 2 Hari 14:23;15:1.Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel.
2 Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka’t Ezek. 16:15.ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.
3 Sa gayo’y yumaon siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim; at siya’y naglihi, at nanganak sa kaniya ng isang lalake.
4 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka’t sangdali pa at 2 Hari 10:11.aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, 2 Hari 15:10,12.at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel.
5 At mangyayari 2 Hari 15:29.sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.
6 At siya’y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama;1:6 Sa makatuwid baga’y Ang di kinahabagan.2 Hari 17:6,23.sapagka’t hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.
7 Nguni’t 2 Hari 19:35.ako’y maaawa sa sangbahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios, at Zac. 4:6.hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng pagbabaka, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.
8 Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama, siya’y naglihi, at nanganak ng isang lalake.
9 At sinabi ng Panginoon, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi;1:9 Di ko bayan. sapagka’t kayo’y hindi aking bayan, at ako’y hindi magiging inyong Dios.
Ang muling pagkatatag ng Israel at Juda.
10 Gayon ma’y ang bilang ng mga anak ni Israel ay Gen. 32:12.magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; Rom. 9:26.at mangyayari, na sa dakong pagsabihan sa kanila, Kayo’y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila, Kayo’y mga Deut. 14:1.anak ng buháy na Jos. 3:10;Awit 42:2.Dios.
11 Is. 11:12,13;Ezek. 37:16-24.At ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay mapipisan, at sila’y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo, at sila’y magsisisampa mula sa lupain; sapagka’t magiging dakila ang kaarawan ng tal.4.Jezreel.