54 At kapag ang katawang ito na nabubulok at namamatay ay napalitan na ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay, matutupad na ang sinasabi ng Kasulatan:
"Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!"15:54 Isa. 25:8.
55 "Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?
Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?"15:55 Hos. 13:14.
56 May kamandag lamang ang kamatayan sa atin dahil sa kasalanan, at may kapangyarihan ang kasalanan sa atin dahil sa Kautusan. 57 Ngunit salamat sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.